Monday, September 29, 2008 @ 9:46 PM
HAAAYYY :/

monday na monday, badtrip na. pano pa kaya sa mga susunod na araw? :/

practical test sa Computer kanina. nakakaiyak. :/ kasi bell na tsaka ko lang naalala na kailangan may "home" na link for every page. so nung nasave ko na sa USB, sobrang madalian kong dinelete lahat tas sinave ulit. k goodluck. :)) nung Trigo. sobrang nakakabadtrip. halos maiyak na ako, ayaw lang tumulo. seryoso. :( hindi ko na talaga alam kun anong kailangan kong gawin. kasi naman, sorry Paula :( badtrip hanggang lunch, hindi lang halata kasi tawa ako ng tawa dahil kela Pamintuan at Justinne. :P

kakagising ko lang. ang dami pala dapat gawin. ngayon ko lang narealize. :))
1. Research notecards
2. Elective - Q
3. Trigo assign
4. Pinoy - Q

okay gagawin ko na. :P

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

ERGH. SHOOT. EPAL. PESTE. LECH. nakakainis talaga. okay wait, CHILL.

whew. WAAAAA :(( kasi kanina pinasubmit ko kay Papa ung sa Lasalle. tapos hindi pala niya sinubmit kasi nakalimutan daw nya. tumawag pa ako para ipaalala tapos hindi rin nya sinubmit. EPAL. napakaresponsible (ok, may pinagmanahan pala ako). wala na last day na ng submission bukas. AYOKONG MAGTEST NG 26. PLEASE LANG. :/

i hate this day. :/

"You can't have a better tomorrow if you're thinking about yesterday all the time."


Sunday, September 28, 2008 @ 6:53 PM
Codes here. Codes there.

simula kahapon, puro codes na nasa harap ko. codes para sa project sa computer, multiply at blog. wala bang codes para sa love? K JOKE.

tapos ko na ung project sa computer. :D sa Friday pa submission pero ginawa ko na kasi ang haba. isang buong araw akong nakaharap sa computer para tapusin un no. sakit sa bangs! :))

naiinis ako. kasi HINDI AKO MAKAPAGOL. ayaw magopen ng ym. kahapon pa un. grr. feeling ko buong week akong d magoOL. tapos pagmeebo naman gamit ko, hindi ko makausap mga tao. nice :)) nagOL pa ako. ung sa mail naman, ayaw rin. may topak. tnry ko na lahat inshort, ayaw tlga. :(


dahil wala akong magawa at ayaw ko magaral para sa quiz sa Socsci at Pinoy at ayaw ko rin namang basahin ung El Fili at gawin ung assignment sa Physics, naguupload na lang ako ng mga pictures. pero ung mga tipong last year pa. hahaha! hindi ko kasi naupload. sayang pagnabura lang kapag pinareformat. :P

ay, nagpagupit ako kanina. pina-igsian lang. hahahaha. tapos tawa ako ng tawa dun sa bakla. kasi pinaguusapan nya lovelife nya. tapos ung ex nya ata un, nasa kabilang kanto, tas sobrang pacute sya. tapos ung buhok nya ayos sya ng ayos. basta grabe. sobrang benta :)) k walalng. :P

okay back to work. hindi ko maayos tong taeng blog ko. iknow, ang pangit ng layout. lagi naman e. tapos ung sa multiply din. pagtiisan ko na lang kasi hindi ko na kayang ayusin. seryoso. HAHAHA.

Blog :)
Photobucket

"But just because they can't feel it too doesn't mean you have to forget."


Wednesday, September 24, 2008 @ 8:03 PM
What has become of us?

ano ba. bakit ganito na? ibang iba na. SWEAR. nakakainis.

morning, super cramming kasi ung sa Pinoy hindi ko pa nagagawa. buti natapos ko agad. buti rin may picture taking ung teachers kaya wala na kaming long quiz sa Rel. kaso magsasabay naman sila ng Physics sa Friday. :( lunch, date with Niknax. simula pagkabell ng lunch, tawa na ako ng tawa dahil sa kanya. pero mas matindi siya kasi hindi siya humihinto katatawa. nakakaloko pa ung tawa e. :)) funneh. pumuntang Basement tapos bumili siya ng food tas kumain tas bumalik ulit ng Basement kasi bumili na naman siya. k takaw. :P tapos para pa naming snstalk si ano nya. hahaha. nung pagkabell, super laughtrip sa hagdanan. tae kasi e. pero THANKYOU NIKNAX! you made my day. :) ikaw lang nakapagpatawa sakin ng todo e. :D

SEG. nakakainis ung mga taong nagpapahintay tapos hindi ka sisiputin. alam mo un, sinabihan ka pa na hintayin siya tapos namuti na mata mo wala pa rin. un pala nauna pa sayo. ang galing. NAKAKATUWA. tsss.

pumunta sa Grade School AVR. tapos lumabas kami ni Judy kasi hinahanap namin sila Justinne. sumigaw ako kasi tinawag ko si Paula, napagalitan pa ako. okay, nakakahiya. tae. tapos ang tagal na namin dun tsaka lang sinabi na sa CompLab2 kami. NICE. bwiset. so nung pabalik na kami sa HS building, napagalitan na naman kami. ang ingay kasi namin. kinuha pa ni Ms. Ortega ung names ng iba. tsss. kainis. pagdating, Film Viewing. tapos sila Justinne, kanta ng kanta. leche. nakakaantok ung movie or kung ano man un. sa floor pa ako nakaupo kasi ang ingay nila Justinne. :P after ng film, may pinagawa. pinacut ung 100 circles este stars tapos ididikit sa Manila paper depending on their temperature and brightness. nakakaaliw siya kahit papano. hahaha! kami ung first na natapos. :D nakakatuwa si Mrs. Tilaon. grabe. para syang bata. hahaha. nakakamiss. :P ayun, after nun, kumain kami kasi ang tagal pa nung iba. may nalaman ako. NAKAKABADTRIP lalo. sabi mo dati okay na. okay lang. pero ngayon ewan ko sayo. after nun, nagsharing tas uwi na. strike3 ka na sakin. sana kasi hindi ka manhid para sabihin ung ganon sa harap ko. sana talaga, hindi ko na lang pinilit pa. ay nako. ISUSUMPA NA TALAGA KITA FOREVER. leche.

dismissal, super badtrip. ewan. kailangan wala akong kakausapin for 1hour or more para makalimutan ko ung mga nangyari. kaya tulala ako. Thankyou Mamel and Walker. :) mga 4, pumunta na ako sa practice. tulala pa rin. ang hirap kayang makaget over. tsss. nung mga 5, uwi na. okay na rin kahit papano. :D Thankyou Galang and Pamintuan! :) maaga natapos ung practice pero medyo late na kami nakauwi. kumain pa kami ng siomai w/ rice ni Pauiie bago umuwi. :P sabay ulit kami kay Fishy. yay! :D

feeling ko mamamatay ako kung everyday hindi lalagpas sa 5 ung assignments kasama na ung quizzes at long quizzes tapos everyday pang nagpapalate dahil sa practice. seryoso.

may isa akong wish. isa lang for this week. SANA MAWALAN NG PASOK. please lang. ang sakit sakit na ng ulo ko kapupuyat. :(

"I just wanna look in your eyes and make you realize."


Monday, September 22, 2008 @ 9:18 PM
500 :)

500th post. :D

wala ng panahon para magpahinga. seryoso. :/ ang daming dapat gawin pero mamaya na. sobrang sumasakit na ulo ko e. as in. :(

uhm, 2nd period na naman ako pumasok. bakit? kasi 2 na ako nakatulog. kasi 'inaral' ko pa ung mga CST at ung Demand tapos wala naman pa lang quiz. LAGI NA LANG. nakakainis. tapos laging surprise pagnagqquiz. nakakainis. ung tipong after 1week pa. hay buhay nga naman. pagpasok ko, mali na naman ung nadala kong notebook. kasi wala ung IV1 sa classroom. dati kasi wala din sila tas akala ko English na namin un pala SocSci. tapos kanina naman, Physics dapat pero nakipagpalit daw ung Trigo. nice :)) naglaro ng Tower of Hanoi sa CAI room. dahil late ako, wala akong kapartner. tsss. level 3&4 lang natapos ko. nagbell na kasi nung patapos na ako sa 5. epal. :)) ang saya ng Computer kanina. obvious naman sa post ko before nito no. :)) dapat kanina ko pa to ikkwento kaso mas feel kong magbloghop kesa magpost. :P tae. ang gaganda ng layout ng mga tao. nakakainggit. :/ ayun, sabi ni sir, free period daw namin un kasi dapat completion lang un ng mga activities. eh tapos na namin kaya naginternet na lang. pero ung mga sobrang sipag, ginawa na nila ung project para sa Computer. sorry, I'm not one of them :))

hindi ko naintindihan ung lesson sa Physics kasi hindi ako nakinig kasi kumopya ako ng notes sa napakaayos na notebook ni Paula. hahaha! kaya after ng Physics, nagulat na lang ako sa mga nakasulat sa board. :)) after kumain, sinamahan ko si Tin. ngayon na kasi siya magmomonologue. :P super funny nung minake-upan ko sya. kasi naman, natatakot lahat ng tao sa kanya. HAHAHA! benta. monologue nung Eng. nung Rel. super nakakataranta. lahat namomoroblema tungkol dun sa Synthesis. dyosko nagkalat ang IV1. :)) nakailang balik kami ni Tin sa 3rd at 2nd floor. hahaha. nung SocSci. tulala. :/ nung Pinoy, bingo. pagpasok ni miss ang dami naming natutulog. hindi naman tulog pero nakaheads down. tapos ah basta. mahabang usapan. 43o na kami pinalabas dahil dun. :(

nagpractice for the gradsong. bumili muna ng food. ang sarap ng feeling tumawa ulit. HAHAHAHA. kasi naman, parang 1dekada na akong hindi tumatawa. kami lang nila Pauiie at Jesileen ung bumili. ang dami naming binili kasi binilan namin sila Marian. natatawa na nga ung tindera e :))

uwi na ng 53o. nagcommute kasama sila Pauiie&Paula. pumunta sa bahay ni Pauiie para magpaturo kay Paula para sa long quiz sa Trigo. super benta si Paula. :)) gutom na gutom e. ang dami nyang nakain swear. 1 kwekkwek, 1 macaroni, 1 hotdog on sandwich, 1 kikiam, 1 iced tea. GRABE. KINAIN NYA LAHAT YAN. hindi ko kaya un. hahaha. amazing. :P tapos kumain pa kami ng ice cream habang naglalakad papunta sa bahay nila Pauiie. pagdating dun, takutan. HAHAHA. nadapa pa si Paula kasi naiwan siya sa 2nd floor. BENTAAAAAAA! :)) grabe. nagpalit muna ng pambahay. Thankyou Pauiie! :P tapos nagreview na. nagsisigawan kami ni Paula habang nagrereview. benta kasi e. :)) pero seryoso, SUPER THANK YOU PAULA! :D naintindihan ko siya kahit papano. :P uwi na ng 83o. para akong si Betty la Fea sa suot ko. :))

SUPER DUPER THANKYOU GALANG & PAULA! ILOVEYOU! :D

"You may say I'm a dreamer but I'm not the only one."


@ 10:24 AM
COMPUTER PERIOD

HELLO! :p

walang magawa e. k? :P


Sunday, September 21, 2008 @ 11:42 PM
LABOREM EXERCENS

kailangan kong mamatay ngayon din, para makita ko si Pope John Paull II tapos magpapatulong ako sa kanya kung pano gawin tong napakahirap na reflection na to.

DYOSKO. wala pa akong nagagawa simula kahapon. lagi akong inaantok. nagpapagawa ako ng kape, ayaw naman akong gawan. hindi naman ako marunong gumawa. hahaha!

nakakarita tong PC. gusto ko ng batuhin. ay joke. mahal ko to. :)) ergh. lagi kasing naghahang. lalo na ung powerpoint.

okay, back to work. ang dami pang gagawin. 2 reflection to 'day! may long quiz pa bukas about sa lahat ng CST. may quiz pa sa socsci. ergh. sabi ako ng sabi ng mga kailangan gawin pero di ko naman nagagawa. tss. STOP NA TLGA =))

- - - - - - - - - -

[EDIT]

ATLAST! I'm done with these f*cking religion requirements. whew. pero may isa pang problema.

MAG-AARAL PA BA AKO o MATUTULOG NA LANG?

kasi 11:45 na dito sa wallclock namin tapos kailangan ko pang aralin ung 5 pages sa libro na tungkol sa Church Social Teachings tapos meron pang 1 chapter na kailangan aralin sa Socsci. ang hirap magdecide :P hahahaha. ang sakit na rin kasi ng ulo ko kasi nasinghot ko ung katol. OKAY =)) sinusundan na naman kasi ako ng mga lamok. :/

"Will you try to make me feel better?"


Saturday, September 20, 2008 @ 8:09 PM
Over Her Dead Body

ang aga ko nagising. dapat mga 9 pa e. kaso 7 pa lang gising na. okaay? excited? :P sabi ko kay Pamintuan, 9 ako pupunta. kaso kachat ko pa ung mga tao kaya naging 10 :)) pagdating dun, nagpalit agad ng pambahay. kasi naman e. hahaha. tapos, ang tahimik tae. nakakabingi sa bahay nila. ginawa ung sa Music. okay, tinanggal na ata namin lahat ng lines e. ang hirap kasi gawan kaya tinanggal namin ung iba. :P nakatingin lang ako habang ineedit at pnplay nya. sabi nya kasi pumunta ako para may 'inspiration' sya. HAHAHA! JOKE =)) ginawa namin ung Synthesis sa Rel. okay, umagang umaga binubulabog na namin si Paula. hahaha. sorry. :P nung tinatamad na kami ituloy ung powerpoint, nagbadminton kami. kaso wala kaming napapala kasi hindi ako marunong. okay. TH e :)) mga 12, dumating na si CupZ. tapos tinuloy na ung sa Music. hindi na ako tumulong. except pagkakanta. HAHAHAHA. okay joke lang. basta sila ung gumagawa ng music tas pagkakantahin na, tsaka lang ako sisingit. tapos nakatulog pa ako sandali kasi ang tagal nila. hahaha! tapos nung mga 2, nagpadeliver sa Mcdo. ako ung tumawag. BENTA! tawang tawa ako habang nakikipagusap. ang dami pa kasing tanong epal. :)) after nun, naghilamos. okay? sabi ni Tin e. tapos nung dumating na si Mcdo, hahaha, nanood kami ng Over Her Dead Body. okay. puro 'MOVE ON' ung sinasabi. kainis. :)) tinuturuan siya kung pano magmove on sa asawa nyang namatay. OKAY. benta talga. :)) dapat pala, Shutter papanoorin namin. kaso nung nagsstart na, nakakatakot ung sound kaya nagtakbuhan kami palabas. HAHAHAHA! funneh. naiwan pa ako. :)) tae.

after ng movie, dapat magiinternet, kaso nawala ung net nila Tin. umuwi na si CupZ ng mga 43o, tapos napagtripan namin ni Tin ung YouCam :P super laughtrip. mongoloid na e :)) mga 5 sinundo na ako. :)



Photobucket

SUPER DUPER THANKYOU PAMINTUAN & CUPZ! :D iloveyou!

"How can I move on when I'm still in love with you?"


Friday, September 19, 2008 @ 9:19 PM
I need to die just a little

PUTEK. ang hirap ng buhay 4th year. seryoso.

Tuesday - Friday
- nakakabaliw ung elective nung Tuesday naglesson. amp. :/
- monologue nung Thursday. kbye.
- nagpractice ng Hallelujah sa Music. soprano ako. super benta! =))
- 18. happy ah? sinira mo lang naman araw ko. tsss. sobrang nakakabadtrip ka. k? :D
- binigay ung gradpic. BASURAAAA! :/
- nagpractice sa PE. last practice na daw namin sa Covered Court ung kanina. isang period lang un. ERGH EPAL! kairita :/
- bonding with Galang&Pamintuan kaninang lunch. saya ;) loveyou girls! :D
- nagpunta kela Pauiie kanina with Sosa and Metch. super duper over much laughtrip. :)) tae. :)) thankyou! :D

okay. wala na akong maalala. ang naalala ko lang ginawa ko, NAGPUYAT, GUMAWA NG MGA PROJECTS AT ASSIGNMENTS. oo, buong week un lang ginagawa ko tuwing gabi. hindi na ako nakakatulog every afternoon pagdating ko kasi sobrang dami ng kailangang gawin.

grabe. ang laki laki na ng eyebags ko. first time sya lumaki ng ganito. hahaha! hindi ako sanay. :P

ANG PANGIT NG GRADPIC. leche. never pa akong nagkaron ng matinong gradpic. epal. hahaha.

things to do:
1. grad song
2. synthesis reflection
3. all star sa rel
4. rel notes
5. physics assign
6. socsci assign
7. magmemorize for sagutang dyalogo.
8. research cards (wtf?)
9. english notes
10. finish reading Eclipse =)) 7 chapters na lang Beatriz! tapusin mo na. please? :))

CLICK ;)

"When I tell my friends I'm alright, it doesn't mean that I don't cry at night."


Monday, September 15, 2008 @ 7:23 PM
Do Not Disturb

dahil busy ako, magpopost pa rin ako. =))

"I'm failing socsci!" puki. lahat ng test binabagsak ko na naman. ergh. :))

ang saya nung Rel. pinagalitan kasi kami(okay masaya pa un) dapat sa IMC kami kaso pinabalik kaming classroom. tapos sabi ni sir magaral daw magisa kasi hindi nya na daw ituturo ung lesson dapat for today. so ang tahimik sa classroom kasi papalabasin daw nya ung makita nyang nagsasalita. lahat kami nakabukas ung Rel book pero iba ung nasa loob. o kami lang ni Monay ung ganon? ah basta. :)) handouts sa Pinoy ung nasa loob ng book. pero hindi ko inaaral. 25 mins kong binabasa ng paulit ulit ung Anyo pero hindi ko naiintindihan. bakit? kasi nananaginip ako. :)) ang sarap magdaydream! hahaha. tapos habang lumulutang isip ko, biglang nagdidiscuss na si sir. okaaay, hindi na natiis. FUNNY! :))

okay, ang dami ko pa talagang gagawin. kailangan ko lang magrelax sandali. kaso tapos na ung sandali na un ngayon. :P k labo.

"Where you are is where I want to be."


Sunday, September 14, 2008 @ 2:12 PM
Annoyed

I hate it when i cry because of little things.

kagabi pa to. iritang irita na ako. gusto ko na silang sigawan. :/

HAAAAYY. ano ba yan..
1. wala pa akong costume for the monologue.
2. hindi ko pa namememorize lines ko.
3. hindi pa ako nakakapagaral para sa Trigo. ayoko ng bumagsak. :/
4. hindi ko pa nagagawa ung sa Research.
ERGH. ANO BAAAA.

SINO BANG MAY DRESS? maawa na kayo. :)

"If I cry, will you wipe my tears away just like the way I did to you?"


Friday, September 12, 2008 @ 9:22 PM
. . .

wala si sir DM. double period pa man din. foodtrip!! :D first, Cheetos. then, Pringles. tas Oreo. hahaha! saya. :)) nung recess, ang dami kong Sponge. first time ko kumain nun nung Thursday and super ang sarap. HAHAHA! :P nagbunutan na kung pangilan kang magppresent para monologue sa English. pang24 pa ako. :P

nagpractice na nung PE. first practice :) ang sayaaa. laughtrip. ung fish dinaing. HAHAHAHA. benta. nung Trigo, nakakatawa kasi 8 sa klase ung natutulog. hahaha. lahat pa sila nakaheads down. funny. buti hindi pinapansin ni sir. :P nung dismissal, nakakalungkot. Risa kasi e. :( pagalis nila, bonding with Amponin and CupZ. ang loner ko kasi. kaya nagkwnthan kami. Thankyou CupZ and Ganda :)

badtrip hanggang gabi. Thankyou sa pagdamay Tin! :D ILOVEYOU :)

ano baaa, hindi ko pa rin tapos basahin ung Eclipse. :)) simula start ng classes nasa akin na un e. nakakatamad. :/

"We can't pretend it didn't mean anything."


Thursday, September 11, 2008 @ 9:16 PM
1, 2, 3, SMILE!

halata bang tinatamad na naman ako kaya wala akong post ng monday hanggang friday? :P

MONDAY
"sir asan ung takip ng usb?" --Pamintuan. K FUNNY. :))

TUESDAY
new seating arrangement. katabi ko si Monay. YAAAAAY! hahaha. sa aisle ako tas second to the last sa likod. nanood nung movie sa GG. nakalimutan ko na title. ang ganda ng Activity Room at IMC 3. may malaking mirror kasi. pwede dun na lang magklase? :P nakakatawa si Monay. nakahiga siya sa floor tas natutulog. simula ata start ng movie. tas nung ginising namin, dismissal na. kaya pangasar. kasi tinatanong namin kung anong story nung movie. HAHAHAHA. :)) funneh.

WEDNESDAY
GRAD PIC DAY :) nakakairita talaga pagnakamakeup. parang bakla :)) nung una, mukha na kaming espasol ni Fishy sa sobrang puti. hahahaha! benta. tapos ung eyelashes ko, sobrang nacurl. funneeeeh. ang tagal kong pinipicturan kasi ung bangs laging nahuhulog. ang arte kasi nung photographer. tsss. pinapakuha na nga sila ng mirror para matapos na e. HAHAHA. sorry naman. ang pangit ng picture. :/ dismissal, laughtrip. tas ang loner ko kasi umalis na sila Ajette. ang tagal pa nitong si Justinne kumilos. hahaha. :P joke. nung paguwi, sumabay ako kela Justinne. nagstay sa bahay nila kasi nasa Antipolo pa tatay ko. nice. dapat matutulog kami kaso minakeupan namin si Chanak. tapos tinuruan nya akong magguitar. :P C, D, G, A na ung alam ko. kaso nakalimutan ko na ulit. HAHAHA. :P



Photobucket
k Putek, kamay mo? :))

Photobucket

(from Sienna)

Photobucket
feeler lang :)) (from Justinne)

pictures HERE :)

THURSDAY
TLE. SUPER LAUGHTRIP :)) Monay kasi. benta. tapos nabingo pa kami ni miss kasi tumawa kaming lahat ng sobrang lakas :))




"I hate you for making me say I hate you when in reality I'm just loving you even more."


Saturday, September 06, 2008 @ 8:18 PM
Marian Carmel Santos Batongbacal

HAPPY SWEET 16! :)

morning, nagOL na agad. ang aga ko kasing nagising kahit late na natulog. pumunta na sa Gerry's Grill ng quarter to 12. kaso ung tatay ko, dinala ako sa Dencio's. nice. hahaha. kaya late na ako nakarating. pagdating ko, kararating lang din nila Risa&Kyna. kami pa lang ung nandun tsaka si Mamel. tapos dumating na sila Pauiie&Justinne. ayaw umorder ng lahat. hahaha!

"kung nandito si Cara, tapos na tayo umorder." --Risa

dumating na sila Czare, Lovey, Sandra & Clara. hindi pa rin nakakaorder. kaya tinawag ko na ung waiter. tas bahala na si Mamel. :P nung dumating ung food, half rice lang kinain namin. HAHAHA! ano ba, ang dami kasi nun e. share kami nila Risa. tapos pinakain ko rin sakanya ung Molo ko. k lahat na. ung Kebab and Adobo Shreds lang ung kinain ko. hahaha. ay tsaka 4pcs nung sisig. okaaay? binilang ko pa tlga. e kasi biglang nilagay sa plate ko e. hahaha! nung kumakain kami, dumating na ung singing waiters. :)) funneh. hahaha! kinantahan nila ng Happy Birthday si Mamel tapos may sansrival na cake. :D after nun, umorder na ng ice cream :D ang tagal naming hinintay ung ice cream. kaya nagpicture lang ng nagpicture. hahaha. after kumain ng ice cream, natahimik na kami. tas sinundo na sila Risa&Kyna ng 3 ata? tas sumunod umuwi sila Gelli, Czare, Sandra and Clara. mga 33o na kami nasundo. :)

pumunta sa bahay nila Justinne. nahiga lang tas tinitigan si Tolens linisin ung paa ng mga kapatid nya =)) funneh. uwi na ng 4.

nakakapagod pero masaya :)

Photobucket
Photobucket


THANKYOU MAMEL! HAPPY HAPPY BIRTHDAY! :) ILOVEYOU :)
Justinne, Risa, Kyna, Pauiie, Gelli, Lovey, Czare, Sandra, Clara thankyou rin :)

click! :)


"It's just too much, just too much."


Friday, September 05, 2008 @ 11:16 PM
Girls just wanna have FUN :)

i love this day :D

pagpasok, hindi na ako nakatungtong sa classroom kasi pinapunta na agad sa Covered Court. tss. tapos nagprayer tsaka nagexplain then pumunta na kami nila Sienna sa bus. nakipagunahan pa kami para masolo ung isang service. tapos 15 mins na kaming nandun, wala pa rin kaming kasama. kami lang nila Putek, Ajette at Sienna ung nandun. tapos ung ibang bus, nagsialisan na rin :)) biglang sumakay si Sir Zaraspe. sabi nya bat 4 lang kami. tapos dun pa sya sumakay sa likod. so katabi namin. dapat aalis na kami kahit 4 lang kami kasi hindi niya mahanap ung iba. kaya lang sayang daw sa gas chuva. epal! kaya un, pinagtanong tanong pa rin nya kung nasan ung iba hanggang sabi, nasa court pa kasi may instructions pa na binibigay =)) pahiya kami. buti di kami pinagalitan. hahaha! pagdating nung iba, sabi hinahanap daw kami. kaming 4 lang daw ung wala. OKAAAY. SORRY. excited e :)) wala kaming ID ni Odessa. kaming dalawa lang. binigay ata ung ID ni Sr. Simon e. daya! :(

pagdating, dinistribute agad sa families. ang tagal namin dun. naiwan kami kasi wala pa si Aling Remy. nagkwentuhan lang with Sir Zaraspe :)) tapos mga after 10 years, pinalabas na rin kami. as usual naglakad kami. :P pagdating dun sa bahay, umupo lang. umalis na naman kasi si Aling Remy. tapos nung pagdating nya, pinaliguan nya ung aso :)) tapos nakipagkwentuhan lang kami. un ung ginawa namin. hahaha! ay, pinakain pala namin si Toffee(aso) ng Piattos. tapos si Uling-ling(pusa) ng Magic Crackers. hahaha. puro mga hayop pinaguusapan namin. tapos kumain na nung 113o. dumating sila Okol ng mga 12. nagkwentuhan na lang. laughtrip! asar na asar si Amiba e. :p tapos mga 1 na kami nakabalik dun sa Parokya. e dapat 123o. :P hindi na nila kami hinintay. nagsharing na sila agad. hahaha. umuwi na ng mga 13o :) buong IV1 nasa S11 :)) kami lang ung nandun. hahaha. solong solo!

sa Covered Court na kami tumuloy pagdating. laughtrip! kasi naman, nagimbento kami ng super corny jokes :)) nagsimula un kay Sienna. pampam kasi e. hahaha! puro IV1 lang to. :P

Q: Sinong kaklase natin ang maeksena?
A: e di si SIENNA! (maekSIENNA)

Q: Sinong kaklase natin ang laging nagcucut ng classes?
A: e di si KATHERINE! (CUTherine)

Q: Sinong kaklase natin ang mabilis?
A: e di si AJETTE! (aJETte)

Q: Sinong kaklase natin ang mahilig sa puno?
A: e di si BEATRIZ/BEATRICE! (beaTREES)

Q: Sinong kaklase natin ang tapos na?
A: e di si DANNAH! (DONENAh)

Q: Sinong kaklase natin ang mataba?
A: e di si PATRICIA! (FATricia)

Q: Sinong kaklase natin ang sira?
A: e di si CERA! (SIRA)

Q: Sinong kaklase natin ang namatay na cloud?
A: e di si CLAUDETTE! (CLOUDDEATH)

Q: Sinong kaklase natin ang ibon?

A: e di si GALE! (nightinGALE)

hahahaha! yeah, super corny pero tawang tawa naman kami. :p after nun, pumila na by section. nagsharing tas nagtanim. tapos prayer. tas uwian na :D

pumunta kaming Gate1 ni Justinne. pinasamahan namin si Mamel kela Pauiie. nagpaalam lang ako tas pumunta ng Gate3 para kunin ung cake. nagblow si Justinne ng balloons. 5 balloons in less than 5mins :)) super nagmamadali. hahaha! tapos tinawag na si Mamel. sinalubong namin tas binigay na ung card. yaay! binasa na nya agad. funneh. :P tapos nilagay ni Justinne ung mga balloons sa ulo ni Mamel. sya na ngayon ang Goddess of the Balloons :)) ayaw nya bitawan ung card. umalis na ako. pumunta kami nila Pauiie&Tin sa Covered Court kasi nakalimutan ko ung tumbler ko. hahaha. stupid e. tas muntik pa akong masagasaan. kbye. :)) merong puppy sa court. ang cute! pinagtripan namin. tapos pumunta na sa Gate7. sakto andun na driver nila Tin. super laughtrip sa kotse :))

TIN: hindi naman to helium e!
PAUIIE: gusto ko ng heels!

K LABO =)) ang tagal naming tumatawa dahil dun. hahaha. pagdating, hinipan nila ung balloons :D si Jason, puro laway lang ung nalalagay e. hahaha! wala kaming magawa, nagmake up na lang. :P naghugas na ng muka. laughtrip! "Only Belo touches my skin. Who touches yours?" k, pwde ng endorser ng Belo. kaso hindi naman kami namumuti e! :)) nagblower tas nagplantsa na. si Pauiie inaayusan ko. :P ang tagal kasing ayusin ung buhok nya. hahaha. naubos ko na ung lollipop ko. :P joke laaaang. after nun, nagmake up. ang saya! :)) hahaha. tas nagpicture lang. may sarisarili kaming mirror sa CR ni Tin. buti 3 ung mirror. hahaha! mga 1hour kaming nakangiti kakapicture :P nung napagod na, bumaba na. tas kumain ng pizza. dinner na namin un. muntik na namin maubos ung 1box e. tig3 kami ng kinain. K TAKAW :)) may natira pang3. hahaha! tapos naglagay ng nail polish. hahaha. k landi. mga 83o, uwi na :)

Photobucket
Pamintuan :)

Photobucket
Galang :)

Photobucket
:D

SUPER THANKYOU PAMINTUAN&GALANG! ILOVEYOU girls! :D

click :)

"Why do I keep running from the truth when all I ever think about is you?"


Thursday, September 04, 2008 @ 9:15 PM
So Sick of Love Songs

hindi na ako nakakatulog ngayon kapag may music. :(

WEDNESDAY:
Rel. nagquiz. ergh. paulit ulit na lang. Eng, tinapos ung Troy :D woot. Aeneaaas! hahahaha. double Trigo. bagong lesson. SocSci. presentation. laughtrip. tae. benta ung kela Metch. tawang tawa si sir :)) Pinoy, nanood nung Pagunlad ng Dula. nakakaantok. double Physics. sa Lab nung una. inayos ung experiments. tapos pumunta sa Practice House. k, nagbrownout pa. hahaha. malas.

dismissal. nakakainis. ang tagal nung service. ayaw nila akong samahan sa Gate3. kaya nagpahatid ako kay Pam. SUPER THANKYOU PAMPAM! ILOVEYOU :) hinanap ko si Justinne. ang loner kong pumunta sa Gate3. buti na lang nakita ko sila agad. kaya hinatak ko papuntang basement. andun kasi si *name here*. :P kaso pagdating namin nasa lawn na. kaya kinuha na lang ni Justinne ung recommendation nya kay Ms. Villacorte. tapos nandun sila Risa and Kyna kaya nagusap lang. ang tagal nung service kaya nakipagkwentuhan muna sa kanila. nung mga 4, uwi na. pagod na pagod ako. hindi ko alam kung bakit. :(

THURSDAY:
new seating arrangement. binago na ni miss ung iba. ung mga nasa harap lang tapos sa susunod na daw ung iba. nalipat ako. :)) harap na harap. nice. katabi ko na si Amponin sa right tas sa left si Cumpas. :D okay na ako dun. hahaha. kaso lagi akong nakatingin sa labas. ang hirap makapagconcentrate. K gumaganon. hahaha.

nung Elective. tinuloy gawin ung movie. tapos gumawa rin ng Mosaic. ang pangit nga lang. :P buti na lang may internet na kaya nakakuha na ako ng pics. kaso di ko naman natapos ung movie kaya nung lunch, tinuloy namin ni Pauiie. ang saya sa Comp. Lab :)) ayun. nung Music, ginagawan namin ng bagong tono ung grad song. laughtrip! :)) kasi naging katono ng Seven Things. kaya ni-rap na lang namin. hahahaha. funneh. nung after ng Pinoy, pinalipat si Cumpas. kapalit nya si Paula. hahaha. kaya katabi ko na si Paula :P ang ingay namin nung TLE. kasi lagi silang nagaaway ni Amponin :))

BEYIIA: sino ka ba sa mythology?
AMPONIN: si Elias.
BEYIIA: HA? ELIAS? HAHAHAHA!
AMPONIN: ewan ko. un ung rinig ko e!
hinanap namin sa book ung mga pangalang kasound ang Elias. :)) kaso wala naman. nung tinanong ko si Pauiie kasi nasakanya ung list, si Aeneas pala si Amponin. HAHAHAHAHA! FUNNEEEEH! :))

PALIHAN tom :D YAY! kaso buong araw na naman kaming wala sa school. boo! :/ nakakapagod kaya.

"My only weakness is you."


Tuesday, September 02, 2008 @ 10:20 PM
BER month :D

SEPTEMBER NAAAAAAA!

Ber month :D nakakaexcite magChristmas. hindi ko alam kung bakit. :P

MONDAY:
may deal kami ni Mamel. DAPAT masaya kami everyday except sa September 2 kasi kuhanan ng cards :P kaya pinipilit naming maging masaya :))

double computer. LAUGHTRIP :)) funny kasi ni Tin. :P bentaaaa. hahaha. tapos quiz ng Trigo. DYOSKOOO. second quiz, ibabagsak ko na naman. sumakit ulo ko after nung quiz. SocSci. nanood ng video. kadiri ung fries. pero kakain pa rin ako ng fries kasi masarap :)) Pinoy. nakakalungkot. kasi pinagusapan ni miss ung sa card. okaaay.

TUESDAY:
Newspaper Drive Launching. :) taeee. nakakakaba nung morning. pero after nung Homeroom, parang hindi kuhanan ng cards ung feeling ko. OKAY ANG LABO. :p nanood ng Troy nung English. GWAPO NI AENEAS! hahaha. lahat na. ayoko lang kay Achilles. hindi ko alam kung bakit. di ko siya feel ano ba :)) Elective. tinuloy gawin ung movie. walang internet so wala akong ginawa. hahahaha! double Rel. kinuha kasi niya ung Physics. boring. :/ double Pinoy. nagdiscuss. tas nagkwento na lang si miss. umulan ng sobrang lakas nung afternoon kaya muntik ng mahulog si Mama Mary. takot na takot si miss. tapos sabi niya na kapag natuluyan daw na nahulog un(kasi tumabingi si Mama Mary sa sobrang lakas nung hangin) ibig sabihin may mangyayaring masama. NAKAKATAKOT. :( sumigaw pa si miss nung nakita nya un. tapos paglabas namin, ung corridor, bahang baha. :)) ang saya. k joke.

pumunta kami ni Justinne sa Gate3. k basang basa kami. epal kasi e sabi ko sa covered court na lang. ayaw pa nya :P pagdating dun, andun si Niknax. sabi ko balik kami sa tignan namin mga OS. pumayag sila. buti na lang may payong si Niknax. kaso, ang liit kaya nung naglalakad kami sabi ko kay Justinne tumakbo na lang kami. hinatak ko sya tas habang tumatakbo sya, nakabungo nya ung isang tao. di ko alam kung anong year. TAE. tumalbog silang dalawa =)) FUNNEH :)) dyosko. nakakahiya. lahat ng tao nakatingin sakanila. tapos kami ni KatMal. tawang tawa lang. super funny :)) para silang bombang sumabog e. tae. kaya un, basang basa kami. lahat ng taong makakasalubong ko tinatanong kung naligo daw ba ako. hahaha. pagpunta ko sa classroom, nasa list na si papa. pero nasa i3 sya kaya pinuntahan ko. nakakakaba. pang7th kaya ako. ata? hahaha. ayun, nagpunta kaming ii1. tinignan kasi ni KatMal kung nandun na mommy nya. nagpahatid ako sa classroom. tapos iniwan na nila ako. kasama ko si Putek. tas si Nicole Yu. pero tatay ko na kasi ung kakausapin tapos nasa i3 pa rin sya. nice. ang tagal nya kayang kinakausap dun. hahaha. epal. tapos nung sya na, OKAAY. hindi ako makahinga. tapos may binigay pang letter. TAE. halos maiyak na ako nun. tapos kinakausap pa niya sila Sir Geom at Ms. Calero kaya lalo akong kinabahan e. mabilis lang siya dun tas alis na. nung nakita ko ung card. wuhoo. ung ngiti ko hanggang tenga. :P kala ko kasi talaga babagsak na ako sa Trigo at Physics tapos ung letter pa. e September calendar lang pala un tsaka ung letter para sa Palihan. HAHAHA! funneh. hinintay lang si Tricia tas uwi na :D

yay. di ako pinagalitan. HAHAHA! ang saya. BUHAY PA AKO :D kala ko mamamatay na ako ngayon e :)) ok naman ung grades. mas maganda talaga na dapat hindi ka nageexpect sa isang bagay. kasi kapag hindi un nangyari, masasaktan/malulungkot ka lang. kaya nga pinagpipilitan kong bagsak ako e =))

"I don't know why I keep coming back to you."


BEYIIA


Sixteen.

TALK

THEM

PAST

CREDITS

1 2 3 4
(c)Beyiia :)