Sunday, November 30, 2008 @ 11:01 PM
Happy Feet :))

masyadong hyper ung paa ko. gustong umalis ng umalis. K LABO :))

Saturday, binasa ko ung Penelope. :D tapos tinulungan gumawa ng test papers si Tita Apol. tapos nung 3pm na, pumunta sa Gateway para sa Children's party. :)) ang boring. may time pa na lumabas kami ni Kyle para pumunta sa FullyBooked kasi inaantok na talaga kami :)) mga 6pm na natapos ung party. after nun, pumunta sa Tiendesitas. tumingin ng mga ipangreregalo. tapos uwi na by 9pm. kaso nagyaya pa tito ko. so pumunta kami sa GH dun sa Bazaar. ang daming tao pagpasok namin. peste. ang init parang Divisoria. nainis kami kaya umalis na kami. pumunta kaming MetroWalk kaso sarado na. siraulo ung guard e.

TITO MIKE: bos, hanggang anong oras bukas ung sa mga DVD?
GUARD: 11 po.
BEYIIA: 11 na e!
GUARD: di pa. may 5mins pa. pasok pa kayo.

okay. peste ka :)) hahahaha. kainis. umalis na lang kami :)) dapat pupunta kami sa Ruins. kaso 12 un magsasara e sa Sucat pa kaya di na kami tumuloy. kumain na lang kami sa DD :)) laughtrip ung conyo. amp.

"I told you not to go to. But you go to. Now look at." -- "Sabi ko sayo wag ka pumunta pero pumunta ka. Ngayon tignan mo."

HAHAHAHA. bentang benta sakin :)) nagyaya na kami nila Kyle umuwi. ang sakit na kasi talaga ng ulo ko e dapat pupunta pa sa Marikina. ahaha. iknow, firstime ko magyaya umuwi :P
pagdating, tulog agad :))


Sunday, gabi na naman kami nakaalis. tapos kasama na namin si mommy tas naiwan si Tricia. :P pumunta kami sa St. Francis Square kaso magsasara na kaya wala kaming nabili. tapos tumawid sa Megamall. sila lang ung nakabili kasi magsasara na rin. tapos pumunta sa Riverbanks. buti bukas pa :)) kaso sobrang putik. peste. kadiri ung paa ko. hahaha. laughtrip ung may nagaalok ng orange juice. ung free taste. tae. bawat may dumadaan wala silang pinapalagpas. tapos bibili sila ng food pero walang drinks kasi dun sila sa free taste kumukuha. :)) amp.

"bakit kaya di natin subukan na pumunta ng maaga? kesa ganito lagi tayong naghahabol sa oras?" --Tita Apol :))

kasi naman, laging 9pm or 10 na kami umaalis. HAHAHAHA. :)) kaya sarado na lahat. after kumain uwi na. :)


Friday, November 28, 2008 @ 10:54 PM
NO NET.

MONDAY:
may mass nung morning. kailangan daw magsacrifice kaya bawal umupo. PESTE. hilong hilo ako buong mass. "I can hardly breathe without you." OKAY DI KAILANGAN. :)) basta. kala ko kung ano ng nangyari e. buti na lang bumalik din sya :) nung recess, pumunta akong Clinic, tas may sinat daw. tinatanong kung kaya ko pa ba. sabi ko hindi na kasi umiikot na ung paningin ko. hahahaha! kaya un, pinauwi na lang :) 11 na ako nasundo ni Papa.

TUESDAY:
absent pa rin. ang boring. :/

WEDNESDAY:
ayaw pa akong papasukin ni mommy pero pumasok na ko :)) dapat manonood kami ng Twilight kaso full na daw. :(

THURSDAY:
TWILIGHT!!! :D nung dismissal, punta agad Tri. tapos 540 pa ung movie. anak ng tipaklong. nakakainis. ang tahimik kasi nung mga tao sa moviehouse. nakakahiya sumigaw. tae. kinikilig pa rin ako :)) after ng movie, tulala. hanggang makauwi. gwapo ni Edward eeeeeeeh :P

FRIDAY:
nung Rel, may speaker. si Sr. Lovey. feeling ko after nung mga sinabi nya may 10% possibility na maging madre ako. HAHAHAHA! seryoso. :)) napaisip pa ako dun e. :)) epal nung Music. nakakainis. :/ laughtrip nung PE. ung sayaw kasi e. :)) magkasunod na naman quiz sa Trigo at Physics. tae. ang sakit talaga sa ulo after nun. :( ang aga ko umuwi. himala. iknowww :P

gusto ko na talaga ng sariling Edward. gusto ko na magkaron ng boyfriend na vampire. lahat na :)) desperada na ako. seryoso :))

OKAY. HALATA BANG WALA AKONG GANA MAGPOST? amp :)) wala kasing net e. nakakainis.


Sunday, November 23, 2008 @ 10:48 AM
Galang turned 16!

Pauiie's Sweet Sixteen :D

morning. dapat di na ako pupunta kasi akala ko talaga grounded si Tin. sakto pagtingin ko sa fone ko, may tumatawag(nakasilent kasi pati ung calls e :)) ) so ayun, sabi ni Tin pupunta daw sya at HINDI SIYA GROUNDED. ang ganda ng gising ko. hahaha. :D mga 10 nandun na kami ni Tin. walang ginawa. :)) tas nung mga 11, nanood na ng Another Cinderella Story. after nun, lunch na. PUTEK. naka3 ulit ako. ang PG namin ni T :)) naubos namin ung chicken. ayaw na kasi kumain ni Galang e. :)) after nun, pumunta sa room. tapos dumating si Sosa tas nakatulog ako for 1hour. hahaha! paggising ko, dumating na si Metch tas si Fishy. mga 4, bumaba na kami tas kumain. ang tagal dumating ng mga tao. nagkaraoke lang tas mga 63o na dumating ung mga taga-Porac :)) laughtrip e. hahaha. si Metch sobrang benta, memorize nya kasi ung mga rap :)) funneh. nung umuwi na ung iba, nanood na lang ulit kami ng Another Cinderella Story. HAHAHA! adik. tapos after nun, dapat magpipictorial tong si Pauiie kaso wala kaming makitang place kaya hindi na lang. nagnet lang tapos uwi na. :)

THANKYOU GALANG!




HAPPY HAPPY BIRTHDAY! ILYSM! :D


Saturday, November 22, 2008 @ 10:38 AM
False Alarn

okay, ang dami pa namang nagcomfort sakin tapos joke lang pala un. HAHAHAHA. sorry naman :))

THURSDAY:
nakakatamad pumasok. kami lang ni Justinne magkasama kasi retreat nila Mamel. shortened periods din kasi may SEG.

SEG. sa CompLab kami. laughtrip kami nila Risa, Kyna at Justinne sa likod. kasi ang tagal dumating nila miss. so naglaro muna kami. tapos halos lahat ata ng PC sa likod naopen namin kasi ang daming sira. hahaha. :)) nung dumating na si miss, mga 3 times pa kaming napaglakihan ng mata kasi ang ingay namin sa likod. :)) funneh. hahaha. so ayun, Amazing Race :) pero sa CompLab at lawn lang. ang epal nga lang kasi hindi by friends. :( by year level na naman. boo! hahaha. nung first level, talo kami. 2nd first kami. ung 3rd ung pinakamasaya :)) kailangan kasi magbuo ng isang malaking solar system sa lawn gamit ung tissue paper. tapos may distance chuva pa. ung una naming nagawa, mali kasi line lang. e dapat daw mukha talagang solar system kaya inulit. laughtrip. ang ingay ko tae. nahihiya ako sa sarili ko. HAHAHA. :P ang tagal namin dun. mga 1hour siguro. tas kami nila Sienna&Justinne ung tagapulot ng bato :)) ang hirap swear. kasi ang hangin tapos ang init pa sa place namin. tsaka laging napuputol ung tissue! :)) nagkulang pa nga kami kasi 1roll lang ung binigay. buti nalang nagbigay ulit si miss ng isa pa. kaso kulang pa rin, so dumating ung point na tinanggal na namin ung ID, necktie, shoes pati socks :)) para na talaga kaming taga-public nun. hahahaha. kaso kulang pa rin para mabuo ung solar system kaya no choice kundi humiga :)))) super funny. hahahaha. tae. ang kati sa katawan! :p nung tapos na kami, pinabalik na sa CompLab lahat. tapos sharing. bumalik kami ulit sa lawn after para sa level 4 which is linisin ung mga kalat na ginawa namin. :)) sayang ung mga tissue paper swear! 2 roll din un tapos nilagay lang sa lawn. hahahaha. k walalng. :p Save Mother Earth kasi! ay. :)) tama na. after maglinis, bumalik ulit sa CompLab tas inannounce ung winner. loser kami. :( hahaha. first place 3rd year tas kami. amp. pero okay lang. hahaha. may prize, Hany ung sa 3rd year tas samin Jellyace. YAAAAY!! hahaha. buti na lang pala loser kami. :p dismissal na after :)

FRIDAY:
ayoko ng maalala to kaso walalang :))

morning pa lang, badtrip na ako sa di malamang reason :))

new seating arrangement. yay! hahaha. kasi katabi ko si Marie tas kalikod ko si Tin tapos kaharap ko sila Mia at Pink. SAYAA :D nung first period ng Rel, nagpractice sa lawn kasi magsasayaw daw kami para sa mass. laughtrip nung Eng, dakilang kaaway ko pa rin si Mia :)) BEGGAR kasi sila e :)) nung PE, walang ginawa. boo! hahaha. nakatunganga lang kami kasi gumagawa kami nung para sa skirt kaso tinatamad kami gawin kaya di namin ginawa. duh! AY JOKE :)) nung lunch..

MARIE: beyiia! anong paper gagamitin sa trigo? 1whole ba?
BEYIIA: ata?
MARIE: dapat meron tayo! hindi tayo beggar!

AHAHAHA! benta sakin :)) dapat kumpleto kasi kami sa gamit para di kami matawag na beggar kasi we're rich! :))

peste. SABAW NG QUIZ SA PHYSICS. :(( naiirita na talaga ako. hahaha. :P

dismissal. pumunta sa Trinoma with Judy and Tin. AYOKO NG MAALALA TO. SWEAR :)

nagStarCity nung gabi kasi bday nila Papa&Tricia. nakakatawa si Tim. kasi nung nasa bahay pa lang, nagppractice na sya sumuntok para matalo daw nya ung dinosaur. pero pagdating dun sa Dino Island, takot na takot sya. funneh :)) pumunta rin kami sa Snow World. epal bawal magpasok ng cam. :/ funny pagdating dun sa snow ung floor.

BEYIIA: ma!! tignan mo! snow ung floor!!! (kumuha ng snow sa floor)
MOMMY: OONGA NOOO!!!! (tas kiniskis nya ung paa nya hanggang sa nadulas sya)

HAHAHAHA. AMP!! SUPER FUNNY =))) tawang tawa ako sa nanay ko. :)) parang first time makakita ng snow e :)) lumabas kami kagad kasi nanginginig na si Tim :)) as in di na sya nagssmile. hahaha. :P

badtrip na again after dun :P nakasimangot lang ako the whole time. :)) uwi na ng 1. tulog agad :p


Wednesday, November 19, 2008 @ 8:29 PM
'REST DAY'

kasi masyado raw pinaghandaan ung PAASCU kaya kailangan ng Rest Day :P

ayokong magstay dito sa bahay kaya pumunta ako kela Justinne w/ Mamel. dapat 8 pa lang pupunta na kaso tinamad ako so mga 93o na ako nakapunta. andun na si Mamel pagdating. naligo muna si Walker. tapos nilaro lang namin ni Mamel si Mikayla. whatever the name. ang labo kasi e :)) tas dapat may papanoodin kaming video. kaso walang sound tsaka black&white kaya tumaas na lang kami. :)) tnry namin sa room kung gagana ung video, kaso hindi rin. amp. kaya nagZiller na lang kami. TAE! pahirapan i-on. parang mga 30mins naming inaayos. laughtrip nung mga kanta. tagos e. tas kumanta pa ng Halik. funneh :)) nakalimutan ko na kung sino ung kasama ko na naka-88 e. alam ko un na ung highest. HAHAHAHA. feeler lang. :p nung tinatamad na kaming kumanta, nagnet na lang. tapos lunch :D

MAGTITA SILA MAMEL AT JUSTINNE. kadiri. hahaha! :)) kasi habang naglulunch nagkkwento lola nya, tas nalaman na taga-Bulacan si Mamel. so un, napunta sa usapang mag-anak chuva hanggang nalaman na magkamaganak sila. tae. OP na naman ako e. :( hahaha. after lunch, umakyat sa bubong. YAAAY!

pahirapan umakyat. ang bagal kasi nung dalawa. amp. tapos ako pa ung huli, wala tuloy humawak dun sa hagdan nung ako na ung tataas. hahaha. nagpicture lang sandali kasi ang init. dapat pupunta kami dun sa front na bubong kaso nung papunta na kami, biglang nasa labas ng bahay ung kapitbahay nila Justinne, nagagalit kasi lumubog daw ung bubong nila. e hindi naman namin tinatapakan ung bubong nila e! tsss. epal e. so bumaba na lang kami kasi baka magsumbong pa. kainis. :/ bumalik sa room. naggitara. hahaha. tinono NAMIN ni Mamel ung gitara. :p natono ko siya kahit papano. ata? :)) tas pumasok si Tolens sa room. maglaro daw ng Hotel626 so naglaro kami. ioopen pa lang, sigawan na e. :))

TAE. kala ko naman nalaro na ni Tolens un, wala pa palang nakakapaglaro kahit isa samin nun. kaya nung first level, putek. napaiyak ako sa takot. ako kasi ung naglalaro. tas andun silang lahat sa kama. peste. :)) sabi kasi ni Mamel click lang ng click, e feeling ko, iba na ung nacclick ko tas sakto pagtingin ko sa monitor bumulaga sakin ung girl sa CR. PESTEEE =)) napatakbo ako sa dulo ng kama nun e. laughtrip amp. :)))) peste. nakakagulat talaga. :)) pagbalik ko sa pc, basang basa ung mukha ko ng luha =)) ano ba, natatawa ako sa sarili ko pagnaalala ko e. :)) hanggang level3 lang kami. hindi na kasi namin matapos. :)) tapos umuwi na rin kami ni Mamel :)



SUPER DUPER THANKYOU JUSTINNE&MAMEL! :D ILYSM! :D ang saya saya :))



Tuesday, November 18, 2008 @ 6:01 PM
PAASCU

sobrang OA. :))

so Monday, first day ng PAASCU Accreditation. buti di kami naobserve sa computer. :P hahaha! kasi naman, naglalaro lang kami lagi e. tapos nahuli pa ako ni Sir, buti nasa website ako ng STC tumitingin.

SIR: psst. ano yan? sarado mo yan!
BEYIIA: eh sir! website to ng STC! nagmememorize ako ng Vision-Mission!
SIR: hahahahahahaha!

tas simula nun, di na nya ako pinakelamanan. hahahaha! :))

Trigo lang kami naobserve. nung Monday un :) nakakatawa ung mga teachers kasi sobrang prepared sila. lalo na si Ms. Calero. :)) super funny kasi ang daming dumaan na accreditor sa corridor pero walang pumapasok tas bumubulong si miss, "come in, come in" hahahaha! LOL :)) bentang benta. :P

nung Tuesday lunch, halos lahat ng 4th year hinahanap ung 1st year na gumawa ng malaking katangahan. hahaha. ang sama pero totoo. halos lahat inis sa kanya. kaya ang daming nagCR after lunch para makita sya kasi katabi lang namin. :P

isang beses lang talaga kaming inobserve. sabi pa naman lahat daw ng klase may possibility na observe tas madami daw ung magoobserve, mga 5 daw kunwari sa isang class. E DYOSKO. 7 lang ata ung accreditors e. hahahahahaha funny talaga :P


Sunday, November 16, 2008 @ 12:59 AM
:)


Once accepting this award, the rules as follows:
  • Put the logo on your blog.
  • Add a link to the person who awarded you.
  • Nominate 10 other blogs.
  • Leave a message for your nominees on their blogs.

Thank you Gen Eduarte! :)

I nominate: Paula Hontalba, Pauline Nagpala, Rina Macaraig, Jodie Tanedo, Angelica Sulit, Justinne Tolentino, Marian Batongbacal, Genine Go, Monece Francisco, and Chezca Bajandi :P



@ 12:35 AM
BULLYING IS FUN!

ang sama namin. pero mas masama sya. bwahahaha >:))

simula last week ata or last last week, hinahack ko na ung friendster ng kapatid ko. kasi may nalaman ako. hahaha. PESTE SYA. PESTE TALAGA. kapag nalaman ko lang na totoo ung nafefeel namin, humanda talaga sya. >:P isa pa, may nalaman kami about sa kaklase nya. kaya kahapon pumunta kami dun sa classroom nila para hanapin ung girl na un. sobrang benta nung pumunta kami kasi first time un. i mean, first time namin pumunta sa isang classroom ng hindi nahihiya kasi tinuturo turo pa namin. okay ang labo talaga wag na nga. :)))))

kahapon din, si Pauiie, kasi ung may crush sa crush nya, tinitignan ung crush nya nung line formation. tapos si Pauiie, hinarangan ung side kung nasan ung crush nya para hindi na makita nung may crush sa kanya. (ang labo alam ko) tapos tawa ng tawa ung hinarangan nya pati ung mga classmate nun. hahahaha! bentaaaaa:))

okay enough of bullying. baka di pa ako makagraduate nito e :))

kanina nagpunta kaming National. habang bumibili sila mommy, nagyaya si Kyle na pumunta sa Music One kasi bibili daw sya ng HSM3 cd. pero pagdating dun, nakinig lang kami. kasi diba may mga headphones dun tas pwde mo mapakinggan ung cd so nagganun lang kami for an hour. hahaha! nakakahiya na kasi sinasara na nila ung ilaw kasi magcclose na sila tapos nakikinig lang kami dun. :)) nakakahiya pa si Kyle kasi ang lakas nya kumanta. parang sya lang ung tao dun. :)) 2nd time ko ng nagawa un. ung magstay dun para lang makinig. dati nga 2 hours pa ata e. or more? :))

uhm ano ba, hindi pa kumakain si BABY IAN!!! :(( binigyan ko sya ng food, ayaw nyang kainin. tapos tnry ko sya subuan kasi nakatulog na ako kahihintay para kumain sya pero di pa rin sya kumakain kaso ayaw pa rin nya kainin ung sinusubo ko. nakooooo. pagnamatay to hindi ko kasalanan. ayaw nyang kumain e!! :P

[EDIT]
ANG SAYA! alam ko na ung title nung movie na pinanood ko nun tapos ang gwapo nung guy. Raise Your Voice! :P hahahaha! :)) ang cute ni Oliver James dun! amp. :))

"It's like catching lightning the chances of finding someone like you. It's one in a million, the chances of feeling the way we do. And with every step together, we just keep on getting better. So can I have this dance?"


Saturday, November 15, 2008 @ 11:18 PM
How much longer?

i don't know if waiting is still a choice.

tinatamad na ako isa isahin ung mga nangyari this week. wala naman kasing importante masyado e? ata? :P

launching ng 3rd quarter theme nung MONDAY morning. bongga. ay k? :)) kasi naman ang daming ginawa. parang super special nung launching na un. laughtrip nung nagsayaw si Sir Dasas e. hahaha. lahat tumatawa. :))

nung Computer. hindi na naman ako nakikinig. tapos nahuli pa ako ni sir. naglolove meter kasi ako. tapos nung tinype ko ung pangalan ni Mamel at ni *name here* biglang 100% ung lumabas kaya napatili kami ni Tin =))) LOL. hahahaha. sobrang benta kaya. kaya nahuli kami ni sir. :P

GG nung TUESDAY. Mrs. De Lara is back! ang taba nya. :P ay. hahaha. ang saya kasi nakita na ung Guidance folder namin. kasi nawawala ung sa 6-1, ngayon lang nakita kaya sobrang excited kami :)) laughtrip talaga lahat nung nakalagay. dream ko dati maging singer tas ang hobby ko maglinis ng bahay at maghugas ng pingan. HAHAHAHA. PESTE :)) whatever.

WEDNESDAY. dismissal un habang hinihintay lumabas si Mamel..
BEYIIA: ayoko pa umuwi. gusto ko magpalate.
WALKER: ako rin.
BEYIIA: palate tayo!
WALKER: k lang.
BEYIIA: bilis! palate tayo!
WALKER: K!
B&W: AAAAAAAAAAAAHHHHHHH! :))

tas papunta na kasi kami nung sa baba. sakto pagbaba ko andun si Tita Betty.habang bumababa nakasmile...
BEYIIA: tita betty di po ako sasabay!
TB: hahaha. aba tuwing hindi ka sasabay lagi kang nakangiti pero kapag sumasabay ka lagi kang nakasimangot.

okay peste :)) so nagpaalam na ako kay mommy after sabihing hindi ako sasabay. HAHAHA. sobrang biglaan. :))

wala kaming ginawa. nung una nangsstalk kami. tapos nagpunta kaming 7eleven with Fishy kasi gusto ko ng Slurpee. kaso walang Slurpee kaya nagMcdo na lang kami. pagbalik namin nahuli pa si Walker nung guard kasi hindi nya natago ung float nya. buti pa ako hindi nahuli kasi natago ko ung sundae sa palda ko =)))) pagbalik, ang saya laughtrip kasi nung pagdating nila Mamel. nagwawala na kaming tatlo dun. sobrang benta. kasi ginagaya ko ung ka-emongoloidang ginawa ni Mamel dati. "hindi ko talaga alam kung bat ako umiiyak e" yan ung sinabi dati ni Mamel. hahahaha. k labo. so naiyak na naman ako katatawa. tapos super sakit lang naman ng tyan ko after nun :)) pagalis ni Mamel, nagpakaemo na lang kami hanggang mag6. nakakakilig pa rin alalahanin ung mga nangyari noon. hahaha. :P tas nagpunta ulit ako sa office ni mommy nung 6 na.

FRIDAY. sympre gagawa at gagawa ako ng paraan para makausap ka every Friday :p so ayun, nagpalate kahapon with KatMal and Walker. nagpunta kami sa Mcdo KASAMA UNG TURTLE. :))



san galing ung turtle? kay Ason. dapat kasi ibibigay nya un sa school kaso ayaw nila so inuwi ko muna. hindi ko maiwan sa gate3 kasi wala naman syang lalagyan. so humingi ako ng lalagyan nung lugaw. ay di ko pala hiningi. binayaran ko pa sya :)) so un, nagpunta kaming Mcdo para akong nagtitinda ng lugaw. hahaha. tapos lumalabas pa ung turtle. tae! nakakahiya talaga. hahaha. :))) okay tinatamad na talaga ako magkwnto. kaya THANKYOU na lang KATMAL AND JUSTINNE! :D


"I wonder when you’ll realize that you mean a lot more to me."


Friday, November 07, 2008 @ 12:13 AM
BACKACHE

ang sakit grabe. :))

THURSDAY:
ABSENT :)) kasi super sakit talaga ng likod ko nung morning. dapat maghahalfday na lang ako kaso nakatulog ako ulit tapos late na ako nagising tsaka hindi ako makatayo paggising ko kaya ang tagal ko sa kama. =))

nagupload lang buong hapon. tas natulog ulit :))

FRIDAY:
nung Eng, may pinagawa si miss after nung writing derby. pinatabi kami sa partner tas may gnawang seatwork. tapos bigla na lang..

MONAY: beyiia oh!
tinitignan ni Ms. Calero ung planner ko.
BEYIIA: tae! MISS WAAAAAAAAAG!
MISS: bakit ano bang nandito? tinitignan ko lang naman ung mga pictures ah!

okay ang lakas ng sigaw ko. TAE KASSIIIII :)) tignan nyo na lahat wag lang un :)) ampepe. tapos napunta na kela Gek, Ajette, Mia, Marie, Therese ung planner ko. anak ng tipaklong! tinitignan pala nila ung PICTURE NI AJ! tae :)) tapos si Mia binabasa pa. bwiset :)) naiiyak na ako nung time na un. HAHAHA. okay, totoo. kasi namaaaan. :p double PE. nagassign na ng intrams. ANAK NG TETENG! MAAWA KAYO ALISIN NYO KO DUN. tutulo na luha ko nung nalaman ko. lech. AYOKO TALAGA DUN. please lang. :((( ergh. after nun, free period :p nagvolley na lang kami. kahit ano daw pwede gawin e. hahaha. benta si Kim. paa ung gamit. super laughtrip e. :)) sana laging ganon pagPE. :P

dismissal, ang loner ko pumuntang YP. buti andun sila Ina at Risa. nagpasama ako kunin ung malaking mirror ko na naiwan ko nung FamDay :)) pagkakuha ko nung mirror dapat ipapakita kay miss, okay ung ngiti ko sobrang laki. nakakahiya kasi ang laki nung mirror tsaka nakakamiss ung mirror na un :)) hahaha! :P after nun, tinignan namin ung bulletin board. ang tagal kasi nila Katherine kaya dun na ko naghintay. okay ang ingay naming tatlo. :)) nung dumating na sila Katherine, pumunta na sila sa gate7 tapos ako sa gate3 para sunduin si Coleen. nagshoot na agad. sakto sa classroom pa ni Coleen. :p tapos after dun, sa lawn naman. :)) pinatakbo ng mga 5times si Coleen. okaaay. :)) after nun umalis na si Katherine, nagupit na lang ng puzzle tas nanlait ng mga tao. HAHAHA. joke. :P pagalis nila Gelli, pumunta na rin ako sa gate3. andun sila Mamel :D umalis agad si Mamel kaya pampam kami ni Justinne. dun pa kami umupo sa tapat. hahaha. mas maganda un kesa katabi mo nga di mo naman nakikita. TSSS :P kbye. ang gwapo nyaaa. :)) okay di kailangan :)) ang hirap magkwento kasi kasama namin si Coleen. haha. dumating si Czare after tas si Fishy. kung san san napunta ung usapan. wala ng paki kay Coleen e. hahaha. emo mode. :p mga 6 uwi na. :D thankyou Czare and Justinne! :D ILY! :)

"The world will never know the greatest story ever told is that i told you i love you tonight."


Wednesday, November 05, 2008 @ 10:17 PM
Maggapas ay hindi biro

so true. :)
morning, late ako. sorry. kasi epal ng nanay ko e. "ang aga aga pa masyado ka na namang OA!" leche. sinong oa satin ngayon? hahahaha! buti na lang hindi lang ako ung kulang. :P 1hour yung byahe. nagstop kami sa Shell para sunduin si Ms. Gino. nagpabili kami ng hotcake. YAAAY! tas kala ni miss 52 pcs ng hotcake ung pinapabili, e 5 2pcs hotcake dapat =)) funny. hahahaha.

pagdating dun sa place, nagboots na kami. tae. tawang tawa ako. super benta lahat kaming nasa likod ng bus nakaboots na. BOOTS WITH THE FUR tawag namin. =)) hindi namin dinala ung rubbershoes kasi pampabigat lang. hahaha! so nung naglalakad kami, di masyadong malala ung putik na dinadaanan namin. kaya dun kami dumaan ni Ason sa maputik talaga. LOL =)) ang dumi na agad ng boots e. ang layo ng nilakad namin. 2km? buti na lang hindi pa masyadong mainit. tsaka flat ung dadaanan hindi kagaya sa Porac ang daming shit :)) pagdating dun, nagayos ng gamit tas may mga pinaalala and all. after nun, nagpunta na sa bukid. :p


ANG SAYA MAGGAPAS. seryoso. ang dami naming nagapas nila Ariel :))

habang nagagapas ako, naconfiscate ni Ms. Gino cam ko. okay, hindi nagsink in sakin e. nung nalaman ko, parang ako, "ha? ah okay." HAHAHA. ano baaa, kinakarir ko kasi ung paggapas e. :)) tapos parang walang nangyari. hahaha. okay Beyiia, abnormal ka talaga :))

siguro more than 1hour akong nagagapas. sabi kasi makipagshare dun sa caret. hiniram ni Bia ung sakin nung una, pero wala akong magawa kaya nanghiram pa ako ng caret. HAHAHAHA. adik e :)) ang saya kasi. :P tapos nagstop lang ako magapas kasi nahiwa ung finger ko nung palay. ang sakit kasi kapag tinuloy ko pa humawak ng palay kaya stnop ko na. tsaka dumudugo sya kahit maliit lang ung sugat. buti pumayag si sir na pwde uminom. :) tapos habang nagpapahinga, binalik na rin ni Ms. Calero ung cam ko. yaaay! thankyou :D wag ko na alng daw ilabas. :D after magpahinga sandali pinabalik kami para kunin lahat ng nagapas. dahil nauna kaming tatlo nila Lia and Misha, kami ung magpapass sa ibang IV1 at IV2 ng mga palay. kami ung kumuha ng mga palay simula dun sa dulo. MEHN, ANG DAMI :)) super nakakapagod magpabalik balik. kumuha pa ako ng sako para mas madalian kami kunin ung mga palay. TINAWID KO UNG PALAYAN :)) okay? :)) skandalosa talaga ako. nakakahiya. lumusong ako dun. hahahaha. ang saya kahit nakakapagod. :P after 1 hour siguro, pinabalik na kami para kumain. :) sarap ng mangga with bagoong.

lunch na. wala kaming dahon ng saging kaya nanghingi pa kami :)) kami ata ung last na naglunch. :p okay, nakatatlong ulit na naman ako ng rice. pero isang tilapia lang un :)) HAHAHAHA. di ako gutom e. :P after lunch, sharing na. tas balik na sa bus. pagbalik sa bus, nakaboots pa rin kami kasi akala namin sa putik ulit dadaan. hindi pala. tae. hahahaha. para kaming tanga tumatawid sa highway ng nakaboots =)) nagbihis na pagdating sa bus. amoy tae na naman ako ng kalabaw :)) tae. wala pang 3 nasa school na kami. sabi pa ni miss hanggang 43o daw kami dun. tae. buti di totoo :)) kaya uwi na ng 31o :)

dismissal, dapat pupunta kaming Mcdo kaso nakasalubong namin ung Triplets kaya nagstay muna. laughtrip. ang daming hirit e. :)) tapos ang ingay namin sa gate7. hahaha. sigawan & habulan. :)) benta ung mga stolen na kinuha ni Risa :)) funny rin ung mga video :)) nung dumating na ung service nila, pumunta na kaming Mcdo Banawe. kumain tas alis na. balik sa gate7. okaaay laughtrip :)) nakakatawa ung sa dila e. :p mga 5 uwi na si Mamel. tas iniwan ko si Justinne kasi pumunta ako sa office ni mommy. nakakatakot kasi nakalimutan ko ung pangalan nung place ng office nila mommy buti na lang alam ko ung daan. :)) hahahaha. tunganga lang dun. 2hours din un no. putek. hindi kasi ako makatulog e. :(


pictures :)

"Wasn't it you who told me the sun would always chase the day?"


Tuesday, November 04, 2008 @ 9:00 PM
Excited for NOTHING

MONDAY:
boring ng Computer. nasa likod ako kasi nasira pc ko. :/ nagtutux paint lang ako buong period. wala kasing net e. hindi ko naiintindihan ung lesson :)) tanong lang ako ng tanong kay Cathrain :)) PIZZA PARTY nung lunch :D kaso hindi sama sama IV1. boo! :(

TUESDAY:
half day Palihan. :) ang saya nung lunch together. weee. nakatatlong ulit ako ng rice :)) kasi naman, after 1year ngayon na lang ulit ako nakakain ng tilapia kasi wala na ung katulong namin na nagluluto ng tilapia para sakin. k arte :)) di pa rin ako nabusog nun :P



may period after lunch. Rel. BOO! HINDI NA TULOY RETREAT NAMIN! nakakaiyak. :((

Negative side: MAY KLASE KAMI SA THURSDAY HANGGANG FRIDAY
Positive side: hindi pa ako nakakahingi ng retreat letters e =))


so 50% masaya at 50% akong malungkot dahil sa news na yun. hahahaha! :P

dismissal, nagpalate kami. pumunta kami kela Casal(k fc :)) ) kasi may practice sila. singit lang kami ni Justinne :)) nung mga 53o, bumalik kami sa school. sinundo before mag63o :) thankyou Justinne! :D


"I keep waiting for you, but you never come."



Sunday, November 02, 2008 @ 11:30 PM
Patola!

3rd post for the day =)))

ATLAST! nanood na kami ng My Only U. nandun na kami ng before 6 kaso wala ng showing ng ganon kaaga. ang pinakamaaga lang is 74o. so nanood pa rin kami.

HAHAHAHAHHA! :)) naglibot lang habang naghihintay tas kumain ng dinner. tapos ang epal nila. ako laging inuutusan. kasi kulang na nga sa time so habang naghihintay ng food, pinabili nila ako magisa ng popcorn nung una. buti na lang malapit lang. tapos after kumain, e kasama kasi namin si Mama, e ang dami nyang nakain so pinabili pa akong Sodium sa Mercury Drug. NICE. :))
nanood na agad after kumain :D leche. ang daming bentang scenes :)) iritang irita na sakin si Tita Apol kasi lagi ko syang pinapalo kapag natatawa ako :)) tapos ang ingay pa namin tumawa. HAHAHAHA :)) nakakaaliw ung movie. bulag at pipi. awww :) paglabas ng movie house, may mga nagiinterview. ung pinapakita sa tv. kaya lahat ng tao ayaw lumabas kasi ayaw makita sa tv. hahaha! :)) si Kyle dapat magsasalita kaso wala syang masabi kaya hindi na lang. k, kapal ng mukha e :)) uwi ng 10.

okay inaantok na talaga ako. ay shoot.

MAY PASOK NA BUKAS! NOOOO! :((

"Sarado na ba sa love? Sarado na nga ba o natatakot lang?"


@ 3:24 PM
KAON???

tae. kinabahan ako kanina. kala ko ako :))

nalaman ng mga tao dito na may boyfriend na ung pinsan ko. kasing age lang ni Tricia :)) tas tinanong nila kung may alam daw ba ako tungkol dun.

T - Tita Apol
B - Beyiia
M - Mommy

T: ikaw siguro may bf ka na rin no?
B: asa! wala namang lalaki sa school e!
M: ah so nagsisisi ka pa na wlang lalaki sa school nyo. kung may lalaki dun may bf ka na?
B: hindi.
M: malamang gf meron ka na. mga kaon mo
B: wala no. asa.
T: onga no. puro babae. ikaw ba Ate Gay ganon dati?
M: oo ganon un dati e
B: hindi no.
M: wushoo. puro tibo dun e.
B: yuck!

LECHE. TOTOO BA NARINIG KO SA NANAY KO? KAON? =))) okay feeling ko di niya lang naintindihan si Tita Apol =)))

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

nung FamDay pa to..
tinext ko kung nasan sila Papa, sabi "tange, nadaanan mo ako hindi mo ako nakita!" e hindi ko alam kung sino un :)) nung nakita ko na..
BEYIIA: pa, pahinging pera.
PAPA: tignan mo to, nakikita lang ako pagkailangan ng pera!

BEYIIA: ikaw ba nagtext nung may tange?
PAPA: oo. tange ka naman talaga e!
amp. benta :))


@ 11:17 AM
We're going to the beach!

pagising ko yan na ung kinakanta ko. hindi ko alam kung bakit :p

nung gabi, dapat manonood kami ng My Only U, kaso nagalit si mommy :)) epal. nanood ng Meet Joe Black sa HBO.

William Parrish: It's hard to let go, isn't it?
Joe Black: Yes it is, Bill.
William Parrish: And that's life... what can I tell you.
---awww :P

sabi ni papa 5am daw kami aalis. sige lang, naghihilik pa kasi sya nun e. so nagising ako ng 7. pinaligo ko na silang lahat. nakakabwiset talaga si Tricia. umagang umaga nagiinit dugo ko. :/ amp. habang naliligo sila nanood na lang ako ng John Tucker Must Die sa Star Movies :D tapos after ko maligo, nanood ng isang movie sa Star Movies ulit. di ko alam ung title. hindi ko na mahanap e. :P mga 11 na kami nakaalis :)) nice.

sa sementeryo na kami tumuloy. wala daw kasing tao sa bahay. okay, tawang tawa ako pagpasok. kasi bago na. dati nakalagay lang un sa isang tabi tapos walang bubong and all pero ngayon hindi na. may bahay na. gets? :)) basta pinaayos. ang ganda :D hahaha. may CR pa :D pagdating, naglunch na kasi naman 13o na ata nun? :)) hahaha. andun lahat. FIRST TIME un na makita kong kumpleto ung mga tito't tita ko sa father side :)) pero kulang ung mga pinsan ko. ang onti lang namin dun. siguro 12 out of 35? :P kasama na dun ung tatlo kong pamangkin sa pinsan :P kumain na lang ng butong pakwan after. si Kyle tagabalat ko kasi bawal siya kumain kasi nagkasakit sya dati dahil dun pero kain pa rin sya ng kain kaya sabi ko sakin na lang nya ipakain ung pakwan =))) laughtrip after nun. nagaaway na naman kasi si Tita Marlyn at si Miguel(kinder pa lang). FUNNEH. :)) sabi kasi ni Miguel, mahihirap ung mga tita at tito nya sa mother side. so kami nga un. tas mayayaman ung sa father side.

TITA MARLYN: sabi ko kasi sayo. akin ung SM sa inyo. SM stands for SANTOS, MARILYN!

pinaisa isa ung mga kapatid ni Papa. 7 sila tas sasabihin ni Miguel kung mayaman o mahirap.
MIGUEL: si Tito Jimmy! mahirap un! lasenggero un e!
..which is true. =)) sabi pa nya, kung mayaman un, pinangbibili lang naman nya ng alak at sigarilyo ung pera nun. :)) andun pa si Tito Jimmy nung sinasabi nya un :P

after nun namigay ng pera sila Tito Bandong :)) YAAAAY! hahahahaha :))
TITA MARLYN: oh sa Sucat(ung sa father side nila) ba namimigay ng pera?
MIGUEL: (di makasagot) HINDDDDDDIIII!

nagwala na sya after nun. binibigyan siya ng pera pero ayaw nyang kunin. tas umiyak na sya =))) HAHAHAHAHA. kasi naman lahat ng tao kalaban nya, kahit kapatid nya hindi kumampi saknya :))

MIGUEL: ano bang problema e pera lang yan!

nung pagabi na, naglinis na tas umalis na kami. ang tagal bago kami nakalabas kasi super traffic. :/ pagdating sa bahay, natulog tas kumain tas uwi na :) pero nagaway pa ulit sila Tita Marlyn at Miguel :))
PAPA: o sinong umaway sayo?

MIGUEL: si Marlyn at ung anak nya! (ung anak nya sila Tricia :)))) )

PAGOOOD PAGUWI pero i had fun.


..kahit papano. gwapo kasi e. OKAY LABO. ako lang nakaintindi :))

"I can't believe that I'm missing you right now."


BEYIIA


Sixteen.

TALK

THEM

PAST

CREDITS

1 2 3 4
(c)Beyiia :)