|
Wednesday, December 31, 2008 @ 11:30 PM
Bye TWOTHOUSANDANDEIGHT
awww. bbye. mamimiss kita. thankyou sa lahat ng mga nangyari sa year mo. thankyou kasi ang daming beses kong naiyak sa sobrang saya. thankyou kasi ang dami kong naexperience na noon ko lang naramdaman(AS IN :)) ). thankyou sa lahat lahat. sobrang dami hindi ko na maisa isa kasi for sure kukulangin to. hahahaha. :P
ay nako. 200-NINE na. mas maganda ang eight e. hahahaha! :P ipopost ko bukas ung top10 fave events noong 2008. k labo :)) tinatamad ako ngayon e tsaka nagagalit na sila wala na daw akong ginawa kundi magcomputer. ididikit na daw nila sa katawan ko tong notebook =)))) WAIT, nakakatawa silang lahat dito. KASI NAMAN, lahat sila lasing. joke. hindi lasing. nakainom lang. HAHAHAHA. pati sila Kyle, Coleen, Tricia kahit si Tim pinainom nung vodka. :)) tapos ang funny kasi si Kyle pulang pula. HAHAHAH. tapos init na init sya. LOL :))) ako lang ung hindi uminom. kadiri ung lasa e. hahahaha. si Abnormal nga naman oh :)) kbye. 30 mins na lang :D sana maging mas maganda ang year 2009 :) Say goodbye to the year of the Rabbit and welcome the year of the Ox :) HAPPY NEW YEAR!! :D
@ 1:13 AM
Stop.Look.Scream.
![]() Yay! new multiply layout for me :D papalitan ko na rin ung sa IV1. dapat ngayon na rin kasi codes na lang naman kulang kaso 1am na at naiinis na ako sa mga codes kasi hindi ko mahanap ung hinahanap ko. hahaha. labo. kasi basta, ayoko na kay AVLACK. hahahahaha. okay labo.basta bukas kailangan matapos ko na ung layout. dapat pati rin tong sa blog para New Year, New Layout. HAHAHAHA. KBYE :)) ang dami pa palang dapat gawin for school. ngayon ko lang naisip :)) dapat masimulan ko na sya tomorrow or sa Jan1. ano ba, magbagong buhay ka na kasi Beyiia! :)) Tuesday, December 30, 2008 @ 11:18 PM
Replay
ang sarap sarap balikan :)
dahil wala akong magawa. tinitignan ko lahat ng album sa multiply ng mga tao :)) grabe. napapatawa ako ng wala sa oras e. hahaha. kahit pictures lang ung nakikita ko, feeling ko andun ako, sa lugar at sa event na un. ang saya pa rin kahit inaalala ko lang. nagmumukha na nga akong tanga dito sa harap ng pc kakatawa e :)) feeling ko tama lang tong ginagawa ko. i mean, ung tumingin ng mga pictures. para alalahanin ung mga nangyari noon at maging thankful sa mga yun kasi nangyari sila. DUH BEATRIZ!! :))) PESTE. di kasi kailangang nagddrama. :)) Sunday, December 28, 2008 @ 12:54 AM
12 Days of Christmas
ngayon ko lang nalaman kung ano yan. HAHAHA. :p
kahapon, nagpunta kaming Bulacan. ang aga aga ko pa nagising tas anong petsa na kami nakaalis. buti na lang hindi traffic kaya mabilis kaming nakarating. 2 1/2 hours? :)) pagdating, kumain, natulog, nagmigay sila ng gifts tas bumili kami ng pastillas. :)) benta si Papa. lahat ng makasalubong nya "Kaklase ko un!" amp. lahat ata kaklase nya e. hahaha. pano lahat kinakausap nya. funny :)) after bumili, bumalik na tas nakatulog na naman ako. :)) after dinner, uwi na :) nakakainis kasi hindi kami kumpleto. hahaha. k nagdrama :)) kanina. nanood kaming Ang Tangina Ina Nyong Lahat. epal kasi dapat 745 kami manonood. kaso sobrang puno na. as in 4 seats na lang ung natitira. tas magkakalayo pa. hahahaha. grabe. kaya dun na lang kami sa Last Full Show. habang naghihintay nagdinner muna tas nakita ni Mommy ung kaibigan nya nagpapamasahe. ewan basta ung free. hahaha. ung uupo ka lang dun sa chair tas imamasahe ka na. un. :)) ang tagal namin dun. naglibot na lang ako habang nakaupo sila dun. hahahaha. pero umupo rin ako nung dulo. ang sarap. hahahaha. kbye. :)) taong bundok. ang dami pa ring tao nung nanood kami. puno rin ata e. hahaha. sobrang nakakatawa ung movie. naiyak ako sa katatawa. :))) pero nakakaiyak din. ang drama kasi nung dulo. naiyak din ako. KBYE. iyakin :)) hahaha. peste si Kyle. kahit dun sa drama na part, tumatawa. hahaha. epal e. Thursday, December 25, 2008 @ 11:22 PM
Christmas '08
may pasok si mommy kaya di na feel ang December 24 nung morning. HAHAHA. kbye labo. basta. nung gabi tsaka lang kami gumawa ng mga dapat gawin. like magluto, maglinis ng bahay at kung ano ano. nagbalot ako ng gifts tas gumawa ng Mango Jubilee. peste nakakairita pa si Tricia e. hahaha. paskong pasko. ano ba. after nun, nagsimba. DAMING TAOOOO. nasa labas na kami. buti may screen para makita ung mga nangyayari sa loob. nakita ko pa si Cumpas dun sa screen =)) paguwi, gumawa nung Chocolate Fondu. tas naghintay mag12. ang funny ni Tim. "Meri Mimas!" hahaha. paulit ulit nyang sinasabi sa lahat ng taong makakasalubong. bulol much? =)) benta. tapos nagopen na sila ng gifts. sympre ako walang gift kasi masyado na daw mahal ung notebook. hahahaha! =)) tanggap ko naman un e :P kumain after. putek. busog ako :\ hahaha. after nun, natulog na sila. bastos :)) joke. paggising sabi ni Kyle.."Ate ikaw ba si Santa? pareho kasi nung sulat mo ung nasa gift ni Tim e!" hindi ako si Santa pero ako ung nagsulat. HAHAHAHA. k labo. umalis kami ng hindi namin alam kung san pupunta. ahahahaha. seryoso. kapag tinanong mo.. KAMING 4: di ko alam kay mommy si.. MOMMY: di ko alam PAPA: ewan ko sa mommmy mo. HAHAHAHAH. putek. walang alam lahat e. kaya nung nasa kotse na.. PAPA: san tayo pupunta? MOMMY: di ko alam. HAHAHAHA. ANO BA. peste :)) nagpunta na lang kami sa Ocean Park. daming taooo. nung kumuha kami ng ticket, 400+ pa lang ung number. e pang866 ung number namin. hahaha. dyosko. kaya kumain muna kami sa Pancake House ng dinner. sakto pagtapos namin kami na. lumagpas pa. :)) ang dami talagang taooo. hahaha. siksikan. tas may isang time magpapapicture kami. PAPA: miss. pwde papicture? (kinuha nung girl ung cam) PAPA: ayan miss, usog ka pa ng konti. ayan. pakiayos ha. gandahan mo. o Miss, ayusin mo...blahblahblah. grabe. hahaha. tawang tawa kami habang nagpapapicture. hahaha. benta. :)) pati ung kumukuha natatawa na lang e. :)) ang saya dun sa starfish. kasi pwde hawakan. HAHAHA. k babaw. tas funny dun sa malaking aquarium. ang hyper ng lahat. hahaha. :P si Tim takbo pa ng takbo. :)) tas nakakabadtrip na ung huli. kasi naman magpapapiture ako. GIRL#1 BEYIIA: miss pwde po magpapicture? (lumalayo habang di ako pinapansin) BEYIIA: miss. miss. miss. (sobrang paulit ulit na ako. mukha na akong tanga na sumusunod sa kanya) GIRL#2 (pinipicturan nya sarili nya. hinitay kong matapos) BEYIIA: miss pwde po magpapiture? GIRL: ha? uhh. (lumalayo nakasmile) PESTE. kairita. hahahaha. lalo na ung girl 2. tawang tawa kami ng nanay ko nung nakita na naman namin sya na hirap na hirap picturan ung sarili nya =)) okay sama. BITTEEERRR =)) uwi na by 9 :) ![]() Wednesday, December 24, 2008 @ 7:32 PM
Day Before Christmas
PLEASE LANG. paalala mo sakin na Pasko na mamaya at once lang magPasko sa isang taon at dapat maging masaya ako ngayon.
HAHAHAHAHA. kairita kasi e. kanina pa ako nabbwiset sa mga kapatid ko. may pasok pa si mommy kaya parang di Christmas. YUCK NAGDRAMA :)) Tuesday, December 23, 2008 @ 10:31 PM
BORING
hindi ko akalaing boring ang magiging Christmas Break ko =))
hello, wala akong ginawa buong araw kundi.. magising -> maginternet -> matulog -> tumunganga -> matulog -> maginternet -> kumain -> maginternet -> matulog as in ganyan parati. umiikot ang buhay ko sa internet at pagtulog. TATABA AKO NITO LALO E =)) pero buti na lang may nagagawa akong productive kahit papano. magupdate ng blog :P 1month naabandona to. kaya kailangan makabawi. sympre pinalitan ko na naman ung mga date =)) Saturday, December 20, 2008 @ 1:24 AM
SWEET SIXTEEN :D
dismissal, kasabay ko sila Justinne&Mamel sa service. ang ingay naming tatlo. kasi naman, may nakita kaming naglalakad dun. tapos ung dalawa, hindi mapicturan. tae. bulgaran na kasi sa kapatid ko e. peste. :)) mag1230 na kami nakauwi. naligo na agad ako tas si Justinne tas si Mamel. susko ang lamig ng tubig. hahaha. madalian na nga e. :)) alis na after tas sinundo ung Triplets.
laughtrip sa kotse :)) kung sino sinong pinaguusapan e. hahaha. ang tagal din bago kami makadating kasi sobrang traffic. ang epal pa kasi ang init init. tas si Mamel nasusuka pa! hahaha. dyosko. pagdating, bumili muna sila ng tissue sa Landmark. tas nakita namin sila Galang. suot na nila ung gift na binigay ko. :D hahaha. after nun, umalis sila ulit kaya nagpunta na kami sa Teriyaki. pagdating, andun na si KatMal. :D ang funny. hahaha. ewan ko, ba makita ko lang un natatawa na ako. hahaha. so un, umorder na. sila na pinaorder ko. tas pagdating nila Galang, pumunta kami nila Risa&Kyna sa Cinema para bumili na ng ticket para sa Quarantine. ang sad kasi 4pm pa ung start ng movie. e 4 uuwi sila Mamel, KatMal at Judy. kaya hindi na lang sila manonood. tinignan namin ung poster tapos, okaaay, poster pa lang nakakatakot na.:)) bumaba na after tapos kain na :) tae. sumakit ung tyan ko sa sobrang tawa. :)) kami ung pinakamaingay dun e. hahaha. tapos nung tapos na kumain biglang may naghappy birthday. kala ko kung sino ung waiter pala binigay ung muffins from Galang&Tin :D YAAAY. THANKYOU GIRLS!! :D uhm, ang daming food ung natira. lalo na ung rice. nilagay namin lahat sa place ni Cara. hahaha!! sama e. :)) alis na after. :) bumili muna ng popcorn. nakita namin ung ibang ii1. k ang ingay andun kasi si Tolens. :)) tas tumaas na nung mga 33o na. nagikot lang sandali tas bumili ako ng water. KATMAL: AHHHHHH!!! (super lakas) BEYIIA: please Niknax? hahahahaah! KATMAL: ANO BA! hindi na nga ako makakanood kaya ngayon pa lang titili na ako! AHHHHHHHHHH!! k bentang benta sakin yan :)) tas punta na sa moviehouse. so iniwan na namin sila Mamel, KatMal at Judy sa labas. nung pagpasok, dun namin narealize na wala si Czare. so sinundo namin ni Risa. hahaha. funny para kaming nasa kulungan. :)) buti pinapasok si Czare kahit na sa amin na lahat nung ticket. :)) tumakbo pabalik kasi andun na sila Tolens. yes, manonood din pala sila ng Quarantine. susko. :)) nung start na ung movie, super nilalamig na kaming lahat. hahaha. LITERAL NA MALAMIG. kawawa naman sila Galang kasi nakashorts sila. magaakapan na lang daw sila ni T. haha. ang labo nung first part. tas biglang may nakakagulat. TAE. ako lang ata ung sumisigaw nung first e. aatakihin talaga ako sa puso pagganun. :)) pati si Risa nagugulat kasi siya ung napapalo ko. ayaw kasing lumapit ni Galang. hahaha! :)) masyado ng sikat pangalan ko sa mga nasa harap kasi naman Beyiia sila ng Beyiia sa sobrang ingay ko. K SORRY. :)) super lamig sa moviehouse tas SUPER NAKAKATAKOT & NAKAKADIRI pa ung movie. hahaha. ay slight lang na nakakadiri. pero nakakagulat at nakakatakot talaga. :)) tapos kapag may nakakatakot na part, tas sisigaw kami, ung sigaw namin nila Kyna may tawa sa dulo. HAHAHA. sabi nya kasi tumawa na lang para di na matakot. :)) tapos lahat ng paa namin nakataas sa chair :)) feeling ko nga ung paa ko nasa may ulo ko na after nun e. hahaha. wala pa sa gitna ung movie, si Risa, nanginginig na. hawak ko kasi ung kamay nya tapos nanginginig talaga. hahaha. nakakatakot feeling ko aatakihin na lang sya anytime. tapos nung isang beses pati ung legs nya nanginginig na :)) hahaha. tapos may isang time, pinapass nila ung popcorn. nung nakay Risa na biglang natapon. :)) ang lakas ng "dammit!" nya pati tuloy ung mga tao sa harap napatingin samin e. putek. :)) nangalahati ung popcorn! ahahaha. sabi ko na matatapon un e. :)) funny. hahahaha. nung malapit na sa dulo na ng movie, as in sobrang nakakatakot na (di ko ata napanood ko kasi nakatakip mata ko the whole time) sobrang sakit na ng kamay ko dahil kay Risa. hahaha. jusko. ginawang stress ball ung kamay ko e =)))) biglang natapos ung movie. hahahaha! kasi BITIN TALAGA E. :)) di namin alam ung nangyari. tas un CR agad kasi nasa gitna pa lang ng movie dapat magcCR na kami nila Risa kaso biglang may nakakatakot na part. sobrang nanginginig na ung legs ko nung time na un hindi ko alam kung naiihi na talaga ako o nilalamig o natatakot e. hahaha! pumunta sa Analog Soul after. pumili daw ako ng shirt para un daw ung gift nung Triplets. ang hirap pumili. hahaha. sila Pauiie ung pumipili e. :)) after 10years, bago ako napilit. HAHAHAHA. K epal lang. THANKYOU KYNA, RISA & CARA :D pumunta sa Kamiseta kasi bibili daw ng necklace si Cara :) tapos wala ng magawa. hahaha. kaya kumain na lang. pumunta sa foodcourt kasi wala ng upuan sa taas. 10shots muna. k pinagtitinginan kami ng mga tao. HAHAHA. funny :)) tapos umorder na sila. sobra pa ung rice na nabigay samin sa KFC. :)) after kumain, pumunta sa Powerbooks. nung papunta, tinatawag ko si Tin. tas ung lalaking nasa harap ung tumingin. HAHAHAHA. epal. siya ba si T? :))) tumingin lang ng planner tapos nakausap namin si Mamel sa phone :)) ang ingay namin kasi dun pa talaga kami sa loob naguusap :)) Timezone after. ambagan sa pangload. hahaha. tae. puro COINS. :))) nangaroling pa kami kela Pauiie kasi late silang dumating. hahaha. k labo. nung nasa counter kami ang tagal pa namin kasi nagbibilang kami ng coins. :)) nagbasketball & gogoballs ulit. sumakit ung braso ko sa Gogoballs. nakailang ulit kami. tapos kapag tapos na ung game ang ingay namin kasi lahat..."AARRRGGGHHH" HAHAHAHA. tae. pero ang saya kasi kaming 8 ung naglaro :)) ubusan & agawan ng bola e. hahaha. nagDeal or NoDeal after. tae. laughtrip. talo kasi :)) nung mga 830 na, punta ng Landmark. kasi nagpasundo na kami. pero nagHide&Seek muna. OO, nagtaguan kami sa mall. HAHAHAHAHA. funny talaga. nagmaiba taya pa kami dun e. :)) si Cara ung magbabantay sa base. kampi kami nila Pauiie, Kyna & Risa. nung una, siraulo sila Justinne. HINDI NAGTAGO. tumingin ng damit! AMP. :))) hahaha. peste. so inulit. ang hirap nila hanapin! nahiwalay kami ni Risa kela Kyna kaya nung naghahanap kami, ang lagi naming nakikita sila Pauiie&Kyna :)) nakarating na kami ni Risa sa dulo nung floor at naikot na namin lahat ng mga damit. peste. :)) tapos may isang time, sumilip pa kami sa isang dressing room. HAHAHAHA. kasi kala namin andun sila :)) nakakahiya! :)) as in dumapa pa kami para tignan kung sila ba. hahahaha! nung bumalik kami, nakita namin sila cool na cool naghahanap na naman ng damit. bwiset. :)) parang 15mins na kasi kaming naghahanap e. un pala sa dressing room sila nagtago. epal. sinabing BAWAL SA DRESSING ROOM E :)) k nagalit na. after nun, dapat uulit. kaso sinundo na si Tin. kaya bumaba na kami. pero nagStarbucks muna. kasi may kinuha sila Pauiie at Czare kela Tin. kami lang umorder ni Risa kasi ayaw na daw nila. amp. sabi ko kay Walker share kami kaso nandiri siya nung nakita nyang flat na ung straw kasi kinakagat ko. HAHAHAHAHA =))) sorry k? pagdating nila Pauiie, uwi na. ang tahimik na sa kotse. hahaha. pagod. hinatid namin si Pauiie tas ung Triplets. si Justinne nagstay muna dito. :D pagdating, may asong sumalubong. tumaas balahibo ko. tae. di naman ako takot sa aso e. ngayon na lang. hahaha. Quarantine kasi e! :)) inopen na namin ung gifts. laughtrip. :)) peste. hahaha. tapos nanood ng Twilight. kaso epal ang dilim nung dvd. :)) tas para pa kaming lasing ni Justinne. kasi inaantok na kami e angtagal ng mommy nya. :)) 12 dumating mommy nya. :D nagstay muna kami ni Kyle sa kabilang bahay. hinintay namin si mommy kasi nasa party daw. tapos nagayos kami ni Kyle ng ibibigay para sa mga nangangaroling. hahaha. peste ng nanay ko. 2am na dumating! antok na antok na kaya ako nun. di effective ung kape :)) paguwi tulog agad. :)) ) SUUUPPERRR FUUUN :D THANKYOU SO MUCHIE JUSTINNE, GALANG, TIN, MAMEL, TRIPLETS, CZARE, KATMAL & JUDY!! :D ILOVEYOUTOTHEVERY-ESTMOST :D - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY! HELLO CHRISTMAS BREAAAAAK :D
@ 12:08 AM
Put your hands in the AYYEEERR! :))
morning. may Institutional Mass. dun kami sa may gitna. hahaha. antok na antok ako nun. :/ after nun, balik na sa classroom. tas binigay ung mga food. hindi ko rin naman kinain. binigay ko lang kay CupC ung drinks at fries. ung burger inuwi ko. hahahah! naglibot after. pinamigay ung ibang gifts. tapos balik sa classroom.
nagGAME kami. oo, GAME lang. kasi isa lang. HAHAHAHA. funny. tas may PRI din daw. kasi isa lang =)) benta. tas si Ms. Calero. pangasar. cheer ng cheer. hahaha. funnyyyy :))) sumali kami. kasi pinilit e. joke. ung race. may toothpick sa bibig tapos ipapass mo dapat ung CD using the toothpick. 2 groups un. Losers & Winners. HAHAHAHA. putek benta. dun kami sa Winners. :))) nakailang ulit kami kasi laging nahuhulog ung CD. hahaha. pero nung sa dulo na di na namin inuulit. HAHAHAHA. tae. sympre WINNER KAMI =)))) sumakit lalamunan ko kasisigaw. HAHAHA. after ng game. classpic. 10 SHOOOTTSS =)) si Miss ung naghawak. ahahaha! tapos taeee. SUPER FUN PART. ILOVEFOURONE. :D kasi nung una, ang formal nung shot tas biglang nagtakbuhan sa harap ng cam. hahaha. grabe. ang saya kasi lahat nakisali. tapos walang umalis. lahat kami nagpuntahan sa harap. MAY CONCERT E =)) tas tinataas pa ung mga kamay para makita. HAHAHAHAHA. shit super saya talaga. sumakit tyan at lalamunan ko kasisigaw at kakatawa e =))) bentaaaa. ahahaha. nung napagod na sa 'concert' nagpahinga sandali tapos 10 shots ulit =)) pero maayos na this time. kasi sinama namin sila SirNarvaez at MissCalero :D FUNNY. kasi para silang bata. hahaha. lalo na si Miss. =)) after nun, wala ng ginawa. hahaha. tumambay sa labas kasama si Miss. tapos sabi nya maglaro na lang daw kami nung binigay kay Pauiie. ung spring na ewan. hahaha. so pumunta kami sa hagdanan. :)) sabi niya nung una bawal daw un pero sya ung nagyaya. para daw may magawa kaming apat =)) so naglaro kami sa hagdanan. HAHAHAHA. grabe. pati ung ibang year na nakakita natatawa sa kalokohan namin e. after maglaro bumalik na. nagkwentuhan na lang at nagpicture ng nagpicture hanggang mag 1115 =)) nagayos then alis na :) ANG SAYAAAA NG CONCERRRTTT!! hahaha. super :D THANKYOU IV-1! MERRY CHRISTMAS! :D
Wednesday, December 17, 2008 @ 11:45 PM
@ 16
so this is my day :D
morning, ang funny ng mga tao. hahaha. ung mga nagtetext. THANKYOU sa mga bumati nung 12 pa lang :) si Mamel saktong 12. tawang tawa pa ako sa text nya. dyosko :)) pagpasok sa school kasabay ko si KatMal. ang ingay namin sa Gate7 oona. hahaha. tapos injured pa ung isang paa nya sa lagay na un :p PINOY and TRIGO test. oo napakaswerte ko. kulang na lang gawing Physics ung Pinoy para maenjoy ko lalo ung araw ko e :)) joke. hahahaha. nung study period, pagbukas ko ng locker ko may gift from T and Galang :D favorite place talaga nila locker ko e. hahahaha! inopen ko na agad. sabi nila e. :p YAAAAY. PURPLE SKINNY!! :D THANKYOU T&GALANG!! ILYSM! :D after nun, binigay na ni Metch ung pastillas na ginawa nya. hahaha. 16 tas may heart :D ang saraaap :) THANKYOU METCH!! ILY! kahit kinain nyo rin ung heart nung dismissal :P kumain kami nila Rina ng petal ng rose :)) kasi wala kaming magawa. so tinikman namin :)) putek. ang sarap. lasang grapes =)) lahat ng tao pinatikim namin. HAHAHAHAH. shit. funny =)) lahat naman sila tinikman :)) recess. "tae! ANO TO?" lang ung nasabi ko :)) kasi biglang nagbigay ng flower si Mamel tas may paper. Amazing Race pala :P ang tagal ko pa bago nagets ung 2nd station na si KatMal ung magbibigay. ung 3rd station nawala kaya napunta sa 4th which is si Gelli ung may hawak :D tinuloy namin un after na ng exams. kasi nasa ibang mundo pa daw ung ibang stations :)) dismissal, si Risa na ung nagbigay. pero walang station :)) susko. pahirapan? hahaha. tapos pumunta sa Gate7 para sunduin si Coleen. andun si Kyna & Cara pero wala ring station. then nung papunta saGate1 nagbigay si Marielle (nakakagulat kasi di kami close. hahaha.) tas ung TAONG NASA KWEBA daw na dapat magbibigay nung next, nawala :P paghatid kay Coleen si Czare and Judy na ung nagbigay :D tas may binigay si Czare. awww. ROBOT NA KEYCHAIN. AAAAHHHH :X ano ba. ang cuute cute :D SUPER THANKYOU CZARE!! ILYSM :D tas tapos na pala ung stations. :)) i mean ung race :P kasi may panira. okay hulaan na lang kung sino :P NAUNA KA KASI. ALAM MO BA UN. excited. k joke. :)) pero okay lang. THANKYOU JUSTINNE&MAMEL :D ILYTVM :D nung nagutom na kami. pumunta kaming KFC. biglaan. buti na lang nagdala ako ng pera :)) busooog :P pumunta kela Justinne after. pinanood lang ni Mamel ung video KO. hahahah. tas uwi na. :) nagtric ako pauwi :P tas pinanood agad ung laman ng CD na nasa envelope :P okay. hahahahahahaha. nakisali pa tong sila Kyle. nakaupo din tas nanonood. ahahaha. inis na inis ako kasi nagsiside comments pa. tas sinigawan ko para matulog na. buti sumunod. pagakyat nila sa kwarto, OKAY. sorry na ha? napahagulgol ako e. HAHAHAHA. shit. sympre feel na feel ko un. ako lang magisa dito sa baba. ano ba. basang basa lang naman ung panyo ko :))) tae. JUSTINNE&MAMEL. THANKYOU :D natouch talaga ako. hahaha. thankyou talaga to the highest level ng katodohan todo na to. HAHAHAHAH. okay line namin ni KatMal un :)) after manood. natulog agad ako. tas nakatakip ung mata ko kasi namamaga. HAHAHAHA. kaya nakatingin silang lahat sakin :)) paggising. nung gabi. pinapunta ako sa kabila. okay may gift na naman. HAHAHAHA. tas pinapagstay nila ako dun. sabi ko magaaral pa ako. tas hinintay namin dumating si mommy tas inopen na. YAAAAY. notebook :)) putek. sana makapagaral pa ako e :P THANKYOU :D hahahaha. :) okay nung gabi hindi na ako nakapagaral kasi antok na antok na ako :)) goodluck sa score sa Pisika. :P ![]() THANKYOU SA LAHAT LAHAT NG NAKAALALA. ILY :D Tuesday, December 16, 2008 @ 9:23 PM
Last Day @ 15
yuck para namang mamamatay na ako bukas :))
2 hours na lang tatanda na naman ako. AYOKO NA :P ayoko talaga kapag nagbibirthday kasi tumatanda ako, i mean kahit sabihin nilang hindi ka tumatanda at age lang ung nadadagdagan, still tatanda ka pa rin ng hindi napapansin/nalalaman ng iba. PESTE, parang formal theme lang. hahahaha. ayun, so ayoko pang tumanda PERIOD. kung pwede lang istop ang time. peste kasi hindi ko naeenjoy ang huling mga oras ng pagiging 15 ko. :)) walang net, exam tapos busy ang lahat mag-aral at magcomplete ng requirements. ANO BA. kairita e. :)) may exam bukas, wala akong paki. feeling ko mababagsak ko na naman ung Trigo kahit naiintindihan ko ung lesson e. masyado akong nakafocus sa birthday e. HAHAHA. MINSAN LANG KASI MAGBIRTHDAY. pwdeng pagbigyan? :)) okay walang katuturan to, gusto ko lang magpost at tumigil magaral :P 2 HOURS. TWO MORE HOURS. :) "Say goodbye to dolls and toys. Say hello to makeup and boys!" -joke :)))))
Thursday, December 11, 2008 @ 9:09 AM
MY STORY IN THE STORY OF THE UNIVERSE
RETREAT! YAY! :D
fun! mahaba to :)) DAY1 nung papunta na kami sa school, narealize ko na naiwan ung toothbrush ko kaya bumalik pa kami sa bahay para kunin. :)) tapos dapat bibili rin kami ng breakfast kaso wala pang bukas sa Banawe. badtrip kasi gutom na ako nun. hahaha! pagdating sa school, kinuha ung mga Bible tapos nung malapit na mag6, pumunta na sa bus. LIKOD FOREVER KAMI :)) kaming tatlo lang ung nandun kaya ung 2 na dapat may uupuan sa gitna na naupo. HAHAHA. selfish eh. :p quarter to 7 na kami nakaalis ang tagal kasi nila Sir DM e. sila na lang ung hinihintay peste. :)) siguro after 30 mins, pinastop na kami magkwentuhan ni sir kasi start na daw ng retreat un. pero hindi talaga namin matiis kaya after nun sobrang tawa kami ng tawang tatlo sa likod. di ko nga alam kung bakit e. HAHAHA :p funny sila Paula inis na inis na kasi hindi kami tumitigil. :)) SUPER FUNNY HINDI KO ALAM KUNG BAKIT. :)) naiyak na kaming tatlo sa katatawa pero di pa rin nagstop. hahaha. nung napagod na talaga, natulog na lang kami :) tapos stopover pero hindi ako bumaba. FIRST TIME! :P habang papunta, nanood ng movie, GOAL! hindi ko pinanood kasi mga 30mins na akong nanonood pero hindi ko pa rin maintindihan ung pinapanood ko kasi iba ung language. e wala namang subtitle tas kung meron man, super liit. tapos may isang scene, kala ko may kinukuha ung guy sa cabinet, un pala ung cabinet na akala ko ay ung windows ng bus. PESTE :)) nairita talaga ako nun kaya hindi na ako nanood :)) Holy Spirit Mission Repair Center. pagdating dyan, binaba lahat ng gamit dun sa basement tapos sinabi ni sister ung house rules. okay, start pa lang e. "bakit REPAIR CENTER? kasi inaayos nito ang mga sira nyong puso katulad ng mga brokenhearted, brokenblahblah.." hahahaha. funny e. after nun, nagcheck na ng bags. ang tagal kasi by classnumber e si Ms. Gino lang ung nagchecheck nung una buti na lang nagutos pa si sir :)) so si Fishy ung nagcheck nung samin :D after icheck, tumaas na sa dorm by class# dapat ung arrangement kaso hindi nasunod. nagstay na kami ni T sa DormB kaso sabi nila Galang sa A na lang daw kaya lumipat kami. dun sa tapat ng cubicle nila Galang kami. peste. sakto pa talagang 17&18 ung # e. tsss. kaya si T ung pinagstay ko sa bed18. (OONA, BIG DEAL SA KIN E. :)) ) pagpasok, ang funny ni T. parang baliw. kasi bigla syang tumawa tas nagwala sa bed. super tuwa daw nya. HAHAHAHA. PESTE. tawang tawa ako sakanya :)) after nun, session na. puro sayaw nga. as in. :)) parang everyhour nagsasayaw kami e. hahahaha. pero okay lang masaya naman. laughtrip e. para kaming hindi nagreretreat :)) epal pa si DM. pagnagvivideo, tinatapat sa mukha. HAHAHAHA. bastos :)) nung Recess, buko crumble ung food. nakadalawa ako. sabi ko sainyo favorite ko un e. HAHAHA. ang PG e. nakikipagunahan pa kami :)) nung Lunch, nakalimutan ko na ung food, basta masarap tapos lahat kinain ko. hahaha. peste PG na talaga kung PG masarap e. :)) after namin maglunch, naglibot muna. pumunta kami sa Forks, tapos sa Meadow, sa duyan, sa Phoenix, sa cafeteria tas sandali lang sa La Push. funny dun sa Phoenix (dun sa may statwa ni Mama Mary) si Galang biglang tumayo dun sa upuan tas.."Take my hand, take a breath..." AMP bentang benta. peste :)))) hahahahahaha. para kaming tangang tatlo dun, kumakanta, sumasayaw, nagwawala. hahaha. ANG SAYAAAA :D after dun, session. tapos merienda. ung corn. di ko rin pinalagpas. HAHAHA. pero hindi ko naubos. ang bilis lang kasi nung time na binigay e. :( session ulit. tapos dinner. parang kakaburp ko lang kakain na naman e. =)) peste. hahaha. super busog. tapos uminom kami ng coffee nila Fishy. e hindi ako marunong magtimpla kaya tinanong ko si Pink.. BEYIIA: Pink! ilang teaspoon ba? PINK: uhm, atleast 3 tablespoons. BEYIIA: 3 TABLESPOON????? PINK: oo. ganun ung ginagawa ko e. so ginawa ko nga. nung nakita ng iba na ang daming coffee nung cup ko, tawa sila ng tawa. amp. hahahaha. tapos nung tinikman ko, super tapang. kaya no choice kundi itapon ung iba. wala ng milk kaya super daming sugar ung nilagay ko, tapos ANG SARAAAAP. hahahaha. pinatikim ko sila, peste cge na, ako lang ung nasarapan. HAHAHAHA. ang sarap naman kasi talaga e. isang inuman ko nga lang siya e :)) after nun, pumunta sa Forks, nagpicture sa Phoenix, nagduyan, tapos pumunta sa room. GRABE. super hyper ko. hahahaha. as in nagwawala kami sa room. tapos talon ng talon. parang nakadrugs kami ni Fishy. :)) hindi mapakali sa isang tabi :)) tapos kapag pumupunta kami sa isang place, tumatakbo kami or tumatalon. hahahaha. peste. lakas ng epekto ng kape :)) nung tinawag na, session na ulit. pero Stargazing na. so may groupings. nung lumabas na kami, kasama nung group namin si Sr. dun kami pinahiga/upo sa driveway tas ung ibang group sa grass. bwiset. hahaha. pero okay lang kasi ang daming insect dun. :P kaso ang tigas sa driveway e. :)) so un, hati hati kami nila Metch, Cumpas at Misha sa malong ko. ulo lang namin ung nakalagay e :)) hindi kami nagstargazing kasi walang star, moon lang. :P nung una, kumakanta sila Metch at Cumpas. tapos nung tinamad na, nagghost stories na lang kami. PESTE. ung first di masyadong nakakatakot pero ung second, ampeste. naluha ako dun :)) ayoko ng maalala :)) pagbalik, tulala na ako. nakakatakot talaga e :)) tapos ginawa na ung sa altar. lahat ata natulog lang e? except sakin kasi gising na gising ako nung mga oras na un. HAHAHA. as in tinititigan ko ung Bible at kandila tas iniisip ko ung magandang shot na pwdeng gawin dun blahblah. okay abnormal e :)) after nun, may mga sinabi lang si Ms. Gino tas tumaas na sa dorm ng 10. unahan sa CR. ewan ko kung sinong kaunahan namin basta tumakbo kami tas nilagay agad ung gamit sa cr. HAHAHAHAHA. PESTE. ang lamig ng tubig :)) di kami naginit. walangya. hahahah. after maligo, nagalit si miss. pinalabas kaming lahat kasi bakit daw hindi by classnumber ung arrangement. so lumipat kami agad ni T bago pa kami makita :P pagpunta sa Dorm B. wala ng bed. hahaha. laughtrip. :)) galit na galit lahat. hahaha. k natawa pa. nung naayos na ni miss pati dormB. humiga na kami. KASO bigla akong pinalipat sa DormA. naiwan ko si T. :(( so katabi ko na si Misha. :) walang magawa. naliligo pa ung iba. pumunta ako sa ibang cubicle. hahaha. laughtrip kela Rina e. :)) tapos lights out. di ako makatulog. biglang pumunta si Metch sa cubicle namin kasi katapat lang. tapos wag daw muna ko matulog. sabi ko masahihin na lang niya si Misha. hahaha. so umupo sya sa likod ni Misha. tapos.. *bumukas ung ilaw* MS GINO: Michelle anong ginagawa mo dyan? *pumasok sa cubicle namin* tas un pinabalik. peste. natatawa ako nun. :)) buti nakadapa ako :)) tapos di ko na alam nangyari. hahaha. basta nagflashlight pa ulit si Miss tas nakatulog na ako after nun. :) DAY 2 ang aga ko nagising. shit. himala un :p kasi may mga tumitilaok na manok tas ang liwanag na sa labas. mag6 na pala nun. ginigising ko si Misha kaso nung una ayaw magising tas nagingay ako ng onti un nagising. HAHAHAHA. tas pumunta siyang CR kaya tinignan ko ung ibang cubicle kung may gising na. buti gising na si Gego at Metch. hahahaha. nangising kami ng mga tao. inopen pa namin ung lights kaya nagalit ung iba. :P sorry na ha? :P naligo na nung nagising si Galang. tas bumaba kami ni Metch para magkape kasama sila Miss Gino. kaso bingo pagdating dun, bawal pala. kami ung pinaghugas ng baso ni sister. tapos kinakabahan na si Miss Gino kasi basta un. hahaha. buti na lang 5 lang kaming students na kasama nya. tapos siya so 6 lang kami dun. pinalock ung mga pintuan dun sa kainan para wala ng makakapasok. super tahimik namin dun. hahaha. nakakatakot. :)) after linisin ung mga ininuman balik na sa dorm. tas mga bandang 715 bumaba na ulit para sa breakfast. :P after breakfast may session sa labas. ung magddrawing ng something. ANG SAYA MAGPAKAEMO. ay. hahaha. pero ang sarap talaga kasi ang lamig tas ang tahitahimik. epal nga lang nung matagal na kasi nilanggam ako. HAHAHA. peste. recess tapos session na ulit. tas lunch. :) after lunch, pumunta na sa Chapel para sa mass. ang ganda ng Chapel. ay. :P ano ba appreciate little things kasi. hahahahah. :)) funny ng mass. ang cool ni Father. :P tapos nung Final Song na, SI THERESE NAGSOLO. hahahaha. kasi hindi alam nung iba ung kanta kaya wala syang magawa kundi kantahin un. HAHAHAHA. peste. bentang benta :)) nagayos na after tapos binaba lahat ng gamit. tas kinantahan nila si Sr. Felina tas tokens tas uwi na. WALANG BINIGAY NA TIME PARA MAGPICTURE nakakairita. parang 2 pa lang kasi nun. super aga pa. kairita. so badtrip ako the whole time sa bus. hahahaha. tapos ang sakit pa ng tenga ko. kairita. pero may isang time super laughtrip. Metch kasi. ginawa na naman ung nakakatakot sa jacket ni CupC. :)) super benta :))) school na before 5. PESTE. SUPER AGA TALAGA. kairita. ang dami pang tao sa school. hahahaha. natouched ako sa sinabi ng nanay ko paguwi. "hoy. i miss you ah." HAHAHAHAHAHAH. ANO BA. minsan lang niya sabihin un :P THANKYOU IV-1! ILY :) - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - okay mamaya pa kami papasok. YAAAY. hahahaha. 12 pa daw e. :p Monday, December 08, 2008 @ 9:35 PM
MTV :/
nakakairita. :/
kahapon after lunch, pumunta kami sa Frisco ni Kyle para maghanap ng installer ng MagixPro kasi hindi ko alam kung nasan ung sakin. kaso walang kahit anong installer dun kaya umuwi na lang kami. may kinuha lang si Kyle tapos nagpunta na kami sa netshop. after an hour, pumunta kami kela Galang kasi nasa kanya pala ung installer. HAHAHAHA :)) okay walalang. natutuwa ako sa paglalakwacha namin. 200 ung hiningi kong pera kay mommy tapos mga 70+ na lang ung natira dahil sa pamasahe :)) ANG HIRAP GAWIN NUNG MTV. para syang slideshow lagi. tapos pagmay effect na gusto kong gawin pero hindi ko alam kung pano gawin dun, hindi ko na tinutuloy, matutulog na lang ako. hahaha. tapos tsaka ko gagawin ulit pagising ko. :)) basta lagi kong nilalayasan kapag may hindi ako magawa. :p kanina nagmass kami sa Sto. Domingo. pagdating namin dun, communion na =)) k funny. tawa kami ng tawa ni Kyle. :)) bumili ng toiletries para sa retreat after pumunta dun. :) RETREAT NA TOMORROW! excited na ako. :P Sunday, December 07, 2008 @ 3:23 PM
PALARO '08
7 na ata ako nakadating. walang tao masyado kaya kami ni Bueno ung magkasama :) boring nung parade. nakatayo lang kami dun forever. tsss. tapos meron pang aerobics na wala namang gumagalaw na 4th year. puro 1st year lang. :)) nakakatawa talaga. hahaha. after nun, games na. EPAL. sabi kapag umulan, tsaka lang kami makikipagexchange. hindi pa nga kami payag dun e. pero hindi naman umuulan tapos ung mga 2nd year ung pinapunta sa court. TSSS. EPAL! so dun kami sa grade school lawn. Cheering ung first game.
"Come on and get the beat. Come on and get the beat. So we can generate some spirit. Accelerate some heat." ![]() super funny. :)) ang saya. hahahaha. tapos sila Mommy biglang dumating. sabi ko umalis na sila e. tapos nagstay pa dun. peste. :)) hindi ko naman sila pinapunta e. si Tricia ung umiyak pa para pumunta sila. HAHAHA! after nun Suongan. nakaalis na ako. tas pati sila Mommy pinapaalis ko na kaso bigla kaming hinabol ni Gale. sali daw si Papa. kaya un pinasali ko muna. HAHAHAHA :)) PANALO KAMI!!! WAAAAA! ang sayaaaa :D hahaha. tapos ung 2nd game na namin. natalo. epal kasi. dapat may third game pa kaso nagkagulo na. EWAN. NAKAKAIRITA TALAGA UN. seryoso. kasi unfair. dapat 1&2 pa ung magkalaban tas waiting ung 3 kasi natalo kami sa kanila. kaso ang ginawa 2&3 na agad. ang daya talaga. nakakainis. HAHAHAHA. okay peste. umalis na kami nila Justinne at Mamel after nun. kainis. hahaha. ung Market na ung 3rd game di ko na napanood. :)) kumain na kami tapos kinuha ulit ung bag ko. nagpunta kung saan saan after tas awarding. BOO! wala ng IV1, kasama ko sila Paula. nanood na lang ng Basketball hanggang dumating sila Mommy ng 12 para sunduin na kami. badtrip talaga. natulog paguwi tapos Movie Marathon. Penelope, Click tas 50FirstDates. :D naiyak ako sa Click! tae. nung namatay ung daddy nya tsaka ung sa mommy nya. bigla na lang tumutulo luha ko e :)) ang sweet nung sa 50FD. grabe. sobrang sweet nung guy. :P badtrip nung gabi kaya ang aga ko natulog. TSSS. kairita. :/ December 6 pa lang pero nafefeel ko na na malas ang month ng December ngayong year. parang araw araw badtrip at naiinis ako sa mga tao ng minsan hindi ko alam kung bakit. :( Friday, December 05, 2008 @ 11:15 PM
How much longer?
wala pa ring net. peste. pero infairness nagagawa ko ung mga dapat kong gawin ng walang net. i mean, nakakapagaral ako para sa mga quizzes, nagagawa ko ung mga assignments, projects kaya hindi na ako nagccram sa school pagdating ko. kaso wala na akong balita sa mga tao. feeling ko sobrang tagal kong nawala sa mundo. hindi ko na alam pinaguusapan nila Pauiie at Tin about kay RA. tas sila Justinne at Mamel about sa kung sino man. HINDI KO TALAGA ALAM. kaya nakakaOP pagnaguusap sila at kinikilig. :/ hahahaha! k nagdrama na. peste. :))
TUESDAY argh. double elective. buti na lang hindi naglesson kasi may pinagawa lang. :)) wala na akong maalala. :)) WEDNESDAY laughtrip nung Rel, kain lang kasi kami ng kain kahit nasa likod lang namin si Ms. Delemos :)) wala syang paki. nakataas na ung mga kinakain namin hindi pa rin nya kami pinapansin kasi nagbabasa sya ng Bible :P uhh, double Trigo. nagreview ata? :)) nakakainis nung dismissal. KASI NAMAN, 1 HOUR AKONG NAKATANGA SA GATE1. wala akong kasama. nakakairita. :/ THURSDAY Monday sched. long quiz sa Trigo. ERGH. computer, walang ginawa. nagcomplete lang ng mga activities. FRIDAY long quiz sa Rel. tsss. long quiz sa Eng. GUESSING GAME! ang saya. hahahaha. :)) ang saya magpahula. okay labo. double PE. walang ginawa. ang tagal kasi ni miss dumating. patapos na nung first period bago sya dumating. pagdating nya, nagtest sa tyakad. tapos magsasayaw na dapat kami kaso nagbell na bigla. HAHAHAHA :)) Trigo quiz. Physics LQ. PESTE. magkasunod na naman. nakakainis na talaga. after nun, sobrang sakit ng ulo ko. :)) walang Research. kinuha ulit ng Physics e :P dismissal, punta kela Tin. :D pagdating dun, tinuruan ni Tin si Pauiie magplay ng piano. Take A Bow ung ipplay. :D tas nung nagets na ni Pauiie. pumunta na sa attic para magtable tennis. :)) tinuruan ako ni Tin tas si Galang nageexercise. hahahaha! tapos nung napagod sya, nanood na lang sya ng Devil Wears Prada dun. ang tagal ko bago natuto. sorry na ha? hahaha. kumain ng pizza at chicken nung mga 6 na. ang dami na naman naming nakain. tae. nakalahati namin ung 2 pizza tas naubos ung 5 na chicken ata? :)) after nun, balik na sa taas. one on one kami ni Tin. HAHAHA. kala mo kung sinong expert e. :)) tapos tinuruan ni Jason si Pauiie magtable tennis. after nun, natalo ako ni Pauiie. PESTE. kainis :)) tapos naglaban sila ni Tin, talo na si Pauiie. yay! HAHAHA. joke lang. :)) after nun, doubles na. partner ni Pauiie si Jason ako si Tin. funneh. nung first, panalo kami. tapos sila. tas nung 3rd kami na. YAAAY! super laughtrip. :)) "It hit you!" "That doesn't count!" HAHAHAHAHA. shit talaga. :)) bentang benta. after nun, kami naman ni Jason partner tapos si Pauiie at Tin. k loser forever kami :)) after nun, pahinga. tapos naglaro na lang kami ni Tin hanggang mag83o. after nun, punta sa room tas nagnet. :)) sinundo kami ng 9. :) SUPER THANKYOU TIN & GALANG! :D ILY! :D ang saya magtable tennis. nakakaadik. seryoso :)) Monday, December 01, 2008 @ 9:10 PM
DECEMBERRRRRR :D
"paglamig ng hanging hatid ng Pasko..." okay lagi ko tong sinasabi tuwing December na :)) nafefeel ko na kasi medyo malamig na. :))
NO CLASSES :) after lunch, nagTrinoma kami nila Mommy and Tricia. bumili ng gifts. ay ako lang pala nakabili :)) pero kulang pa rin. kala kasi ni mommy 10 lang talaga bibigyan ko. pero 19 lahat :)) ang hirap hanapan nung 10. amp. parang 1hour akong naghahanap dun halos makatulog na sila. :)) bumili rin kami ng para sa Pasko bags. kairita talaga si Tricia. amp. :/ uwi na ng 8 :) 24 DAYS TO GO :) [k, parang sobrang excited ko naman magPasko nito. :))] |
BEYIIA
![]() TALK
THEM
Andi Anja Ariel Ate Elaine Ate Iya Ate Sandra Ate Triszh Bajandi Bea Bia Bianca M. Claire Clare Claud Conlu Cumpas Dai Fishy Gego Gelli Gen Isidro Jessica Jia Jodie Joey KatMal Liza Mamel Mara Marya Maxine Monay Nicole CC Nika Nilcah Pam M. Patbau Pauiie Paula Portia Rina Ryz Sienna Tolens Victoria Walker PAST
June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 CREDITS
|