Wednesday, February 25, 2009 @ 9:31 PM
KONTI NA LANG.

konting konti na lang talaga.

dahil hindi ako makausad dito sa TermPaper (hindi ko alam kung pano tong Research Method dahil pareho kaming wala ni Tin nung diniscuss tong tungkol sa TermPaper) magpopost muna ko.

ORAL DEFENSE kanina. FIRST AND LAST. myghad. hahahaha. nakakaexcite na ewan :)) grabe mga 20mins before magstart, sabi ko kay Paula ako na lang magsasabi ng Scope and Delimitations. hahaha. nakita ko kasi na isang index card lang sya kaya feeling ko kaya kong imemorize. tsaka kasi wala kaming sasabihin. halos sila lahat. e Assumptions lang naman ako kaya un. :)) tnry ko mamemorize agad. tapos nung OD na, after ko magsalita, dun ko lang nakita na may nakalagay pa pala sa likod nung index card. HAHAHA. kadugtong pala. eh hindi ko nasabi kasi hindi ko nga nakita. kaya bahala na. hindi naman tinanong e. :P ang saya. hahaha. si Sir Dasas ung panelist namin. okay naman. si Paula sumagot halos lahat :))) hindi kasi tinanong ung dapat sasagutin ko. HAHAHAHA. scripted kami e :P

SAWAKAAASSS. TAPOS NA. sobrang memorable nitong Oral Defense na to. HAHAHAHA. unang una e. susme. :))) okay labo.

sa Friday nga pala dapat complete na lahat ng requirements. kaso 3 teachers pa lang ung pumipirma samin. kinakabahan tuloy ako :S ayokong magcram at magpanic pagdating ng Saturday kasi kulang pa ung mga pirma dun. :(

cge. gagawin ko na tong TermPaper :P


Sunday, February 22, 2009 @ 9:06 PM
Together Again

I'M HAPPY!

kahit maraming kailangan gawin. kahit masakit ulo ko. balewala un kasi okay na ang lahat. :) ang sarap ng feeling na hindi na sila nagkakailangan. YAAAY! :p

kanina sa simbahan, narealize ko na dapat kahit ganong badtrip ko na dahil sa tambak na requirements, e hindi ako mang-aaway, mangtataray o mangsisigaw ng mga tao. yan kasi naging gawain ko last week (pero minsan tahimik ako no). kasi last 2 weeks na lang tapos hindi ko na ulit sila makikita. kaya dapat ienjoy ko tong last 2weeks ko sa HS. dapat kahit anong bigat or laki pa ng problema na yan, dapat di ko sila idamay. PROMISE yan. (okay tas bigla pala di ak)o grumaduate :)) )

nabawasan na ko ng isang tinik. kaso ang dami pa e =))) k goodluck.


@ 10:55 AM
5 days

malapit na. malapit na talaga. after 5days exam na. tas pwde ng magpakamatay.

ang daming gagawin. hindi lang pala madami. SOBRANG DAMI.
  1. Research (preliminaries)
  2. TLE (kailangan matapos na namin tong sa feasib)
  3. read Daluyong (asa pa. maghahanap na lang ako ng summary di ko to kakayanin e)
  4. read Inferno
  5. Daluyong notes
  6. Inferno notes
  7. ENG Formal theme (POEM TO. pamatay)
  8. My Own Hell (dito lang ako naeexcite e :))) )
  9. PhysicsLQ
  10. ElectiveLQ (NAIWAN KO NTBK KO :(((( )
  11. TERM PAPER (di na kami nakausad ni Tin dito. susko. :(( )

hanggang 11 lang muna. nakakawalang gana kasi pagnakikita ko kung gano karami ung kailangan gawin e :))) parang nakikita ko na okay after kong gawin ung half pa lang nito, pagod na pagod na ko. (di kailangang OA ka Beatriz :))) )

sana magawa ko lahat yan. hindi pa ko gumagaling magkakasakit na naman ako sa sobrang pagod. may sinat pa rin ako hanggang ngayon at ayoko ng lumala to. :/



Monday, February 16, 2009 @ 2:56 PM
UMAYOS KAYO. PLEASE LANG.

kanina pa ako naiirita.

MOVIE MAKER, MULTIPLY & YM UMAYOS KAYO. PLEASE LANG. PLEASE LANG TALAGA.

nakakainis. kung kelan kailangan ko kung kelan naghahang at nawawala. erghh.


@ 11:59 AM
13 days

KAYA MO YAN BEATRIZ! KAYA MO YAN! Don't give up! papatayin kita kapag bumitaw ka! humanda ka talaga! ilang araw na lang, hahayaan mo pa bang mawala lahat? (okay labo na)
-your angel =))))))


nababaliw na talaga ako :)))

kailangan magawa ko to lahat ngayon..
-TLE (feasib)
- computer video (close to you)
-2 experiments
- magaral sa Trigo & Physics
- MATULOGBEFORE10 or kung di kaya, kahit 11. wag lang 12. :)))

susme. buti na lang tapos na ung EOP. ay joke, di pa pala. :)) ung mga kagrupo kasi namin, sana nagpapakita e no. kasi parang wala pa kayong nagagawa. leche. (di kailangang highblood na naman)

GO GO GO! :))) I can do this :))


Sunday, February 15, 2009 @ 2:50 PM
You can't lose something you never had.

kahapon, dapat gagawin namin ung EOP portfolio kela Tin. kaso tinamad kami gumawa kaya nagnet lang tas nanood ng How to lose a guy in 10 days :) after nun, punta sa park. nagpicture tas balik na. kung ano ano lang ginawa. hahaha :P
uwi ng 8. pagdating, natulog agad :)))

THANKYOU T&P! :D ILYSM! :)






Saturday, February 14, 2009 @ 8:57 PM
Mr. Cupid, can you please do your work properly?




Friday, February 13, 2009 @ 10:43 PM
Personnel's Day

+ Friday the 13th

mass nung morning. :) tas presentation. ang bilis lang. tss. Recess, PE, & Lunch, volley! :D dapat basketball nung PE kaso ayaw namin kaya nagvolley kami :P hahaha.

Trigo. ANG SAYAAA! hindi kami naglesson. nagkwento lang si Sir. LOVESTORY NYAA :D sympre lahat kami nakikinig. cnlose pa namin ung doors. hahaha. para mas maganda. grabe. pwede ng pangMMK e. seryoso :P kaso naiinis ako. dapat sinabi na kasi nya ng mas maaga para di na sya nasaktan :P OKKAAAY. masyado talaga akong affected. :))) tae. naluha pa ako e! hahaha. bago sya lumabas ng classroom..
"basta ang masasabi ko lang sainyo..The cure for a broken heart is the bandage of another love."

awww. :"> si Ms. Villavert pinapakwento rin namin kaso ayaw nya. boo! :P

23o ung dismissal. pumunta sa Mcdo, merienda tas balik na sa school. tumunganga lang. nagpaka-emo. Mamel kasi e. hirit ng hirit. hahaha. tas nagvolley with Jillian pagalis ni Mamel. tas sumama sila Jessica & Kaye. FUUN. :D


nung umalis na sila. sumama ako kela Marie. tae. benta si Mia. kamukha niya ung isang first year. HAHAHAHA. grabe. TWINSS :)) tapos sakto andun pa ung 1styear kaya tinawag namin. hahaha. laughtrip talaga :))) uwi na ng past 6 :)

THANKYOU MAMEL&JUSTINNE! ILYSSSSM! :)




Thursday, February 12, 2009 @ 9:38 PM
Short

ano ba, wala akong maisip na title e =)))

TUESDAY
Batchpic nung Lunch. ang dami atang hindi nakasama samin :P

2pm dismissal. YAAY! :D MCDO after classes. tas volleyball with Mayel, Justinne, Mamel, Jillian, Dhani(di ko alam spelling) and 2 other firstyears. bonding nung napagod na :))


dinare namin si Walker. maglakad ng nakaheels sa gate3. after 1hour bago nya nagawa. tae! :)) super laughtrip :)))



WEDNESDAY
photoshoot for Senior's Ball. sandali lang kaya sumama ako kela Ariel kasi may gagawin daw sila for Elective :)) nagvolley muna sandali tas kung ano ano na lang ginawa :P

*nagpost na ko nung Wednesday e :p

THURSDAY
wala na akong maalala. :P

ahh. REDPALMS! hahaha. nakiepal ako sa mga Visual. ginawa ko ring red ung kamay ko :P aliiww :))


@ 7:15 PM
Everything will be OKAAAY.

naCarebear attack (Miss Calero told us not to use that word because it belongs to her. hahaha. kaso ang cute e kaya ginagamit namin :P KLABO.) lang ako kagabi/kanina :)))

CUPC & MONAY, thankyou. sobrang laki ng tulong swear. mas lalo kong nakalimutan un dahil sainyo. alam mo un, imbis na iyakan ko, tinawanan ko pa. hahaha :P THANKYOU talaga. :)

okay na. ata? ewan. siguro ngayon. pero hindi pa rin. KLABO. kasi wala pa ring nagbago. ano ba, Valentine's na. ARAW PARA MAGMAHALAN. please, gawin nyo un? hahaha. :P



Wednesday, February 11, 2009 @ 11:43 PM
Is this for real?

PLEASE. WAG NAMAN. WAG MO NG ITULOY. :((((

sabi ko na. mapupunta sa ganito to e. pero, NOOOOO. pwde pang mabago. wag na kasi. :(( DI MO KAMI MATITIIS. alam ko. kaya wag na. :((( please? pwde naman kasing ayusin e.

ANO BAAAAAAA :(((( ayoko naaa. :((

ayoko ng umiyak. :((


Monday, February 09, 2009 @ 10:29 PM
Dahil sayo..

nabago na kami.

kanina sinabi ko na to sa isang tao. SOBRANG NABAGO MO KAMI. naiinis na ako sayo kasi bigla ka na lang pumasok sa buhay namin tapos sinira mo lahat. alam mo un? parang isang salita mo lang, para na kaming robot na susunod sa lahat ng sinasabi mo tapos kapag hindi kami sumunod, ipapahiya mo kami. nabago mo kami in a way na napasama kami. hindi naman totally napasama pero, naiba ung ugali namin kasi basta. (mahahalata na kasi =)) ) nakakainis na kasi. bigla na lang talaga nagiba. kung kelan patapos na, tsaka pa nagkaganito.

HAY NAKO. sana marealize mo. sana maisip mo na nakakaleche ka na. HAHAHAHA. :))

di kailangan magdrama NA NAMAN e. araw araw na lang Beatriz. nakakapanibago ka. :P


@ 8:22 PM

buti na lang dropped ung periods after lunch. YAAAY! walang quiz sa Eco :P

new seating arrangement. sa left side na likod ako tas aisle. katabi ko si Astrid. nakakainis kasi sabi ni miss ilalagay na daw nya ko sa harap. tas susko, sa harap ako ng locker nilagay :))

nung Computer, gumawa ulit ng video. pero di kami gumawa. nakinig lang kami ng mga kanta =))))

lunch, HYPERR =)) walangya. hinubaran na naman ako ni KatMal. nakakainis. HAHAHAHA. wala na akong dignidad? :)) para kaming tanga sa stairs. muntik pa kong mahulog :)) buti na lang..:P

"On the way down I almost fell right through but I held on to you"

GO JOHN TRAVOLTA TEAM! :D first game ulit kami. kalaban namin sila Ason. kbye :)) hahaha. pero nanalo kami. HOORAAAY! :D tapos last game din kami. nanalo ulit. HORAAAAAAAY! JOHN *clap* TRAVOLTA *clapclap* =))) ang sayaaa. :P


Sunday, February 08, 2009 @ 8:41 PM
BROKEN

ayaw ko ng ganito. magoone month na. ayokong lumala pa pero hindi ko alam gagawin ko. kagabi nagpplan si Kyle para sa Valentines Day, hindi namin alam kung anong gagawin para maging successful un. HAAAYY. nakakainis kasi. kahit ako naiinis na sa ginagawa nya. buti pa ung mga un binibigyan niya ng oras compared samin. parang wala na syang paki e. lagi na lang syang nasa labas. hindi man lang siya mageffort na magkabati sila. ayoko namang makialam kasi feeling ko hindi ko kaya. feeling ko pagpinagsabihan ko sila, ako pa ung mas masasaktan e. tsaka nakakainis kasi siya kasi kapag may sinasabi ako NR lang sya LAGI. parang walang naririnig kaya ayaw ko ng itry.

SANA MAAYOS NA :( ayoko ng ganito. sa lahat ng kinatatakutan ko is yung lumala to. wag naman sana. PLEASE? :((


Saturday, February 07, 2009 @ 11:24 AM
The Sixth Day

5hours lang tulog ko. BANGAG.

may something nung morning. inannounce ung mga nanalo nung Science-Math week. tapos may presentation ung sa mga Envi na Elective. :) nagstay kami sa lawn tas biglang umambon. tapos nung patapos na ung presentation, biglang may rainbow. WEEEE. kaso tae tinignan ko kaya sabi ko mamalasin ako for sure :P

PE. volley. YAAAAAAY! 2games na magkasunod kami. parehong panalo. WEEEEEEEE :D GO US! :D hahaha. nung last set na sa last game, di ko na kaya, namaga na ung kamay ko :(( hahaha. putek hirap na hirap akong imove tuloy hanggang nung lunch. tapos ang hirap pa magsulat. :(

after classes, nagpunta sa bahay nila Mamel..sa BULACAN. =))) hahaha. concert sa kotse. dapat kasi matutulog kami kaso hindi ako makatulog kaya un. :P nakakatawa nung papunta sa bahay nila Mamel meron pa silan Batongbacal street. YAMAN KASI E! pagdating sa mansion nila, naligo na. ako ung first :P tapos tumaas para maghanap ng damit nya :)) ang gulo ng kwarto. gusto ko linisin. para kasing may lalabas na ahas sa cabinet nya anytime e. HAHAHA. joke lang Mamel :)) habang naliligo sila, naggugupit lang ako ng kuko =))) hahaha. tapos dumugo pa. peste. :)) nagmerienda muna. pero dinner ko na un :P tapos hinintay ung daddy nya na 630 na dumating buti na lang mabilis magdrive kaya 7 andun na kami :D
pagdating, si Sir Rehoy na ung kumakanta. di na namin naabutan ung iba. nakita namin si Risa sabi niya kasama niya si Zoe. YAAAY! hahaha. napicturan ko na rin sya. kasi naman ayaw niya magpapicture dati. hinahabol habol ko pa sa ilalim ng table. :))) k di kailangan. hahaha. nanood lang sandali tas umalis sa court. paikot ikot lang kami. pero paggusto namin ung band, sa harap kami :P ang bilis lang. natapos na agad before 11.

masaya kahit papano. :) THANKYOU sa mga nakasama :) ILY :D



*pictures from Walker :)

pictures here :)


Thursday, February 05, 2009 @ 10:44 PM
Don't fall asleep. Take a sip.

morning, may goodnews si Marie sakin: NASAKANYA UNG TRIGO NOTEBOOK KO!!! WAAAA. :D ang sayaaa. hahaha. parang 3days ko na kasing hinahanap un tapos nasakanya lang e no. epal. pero atleast nabalik na sakin. HORAAAAY! :D funny nung Trigo. hahaha. kasi ano basta :))

TLE. dry-run para sa Feasibility. Coffee Monster! yay! tinikman muna namin ung ginawa na nila Pauiie na Oh-reo cheesecake. ANG SARAAAAP! tae. hahaha. nakakabitin ung onti. :P nagstart na agad. ayun, may katangahan akong ginawa. tinurn on ko ung crusher(?) ng walang takip :))) kaya un! SUMABOG SAMIN NI SIENNA UNG KAPE =)))) malas ni Sienna kasi dumadaan lang sya tas sakto biglang nagkalat. HAHAHAHA. tae sorry na ha? tanga nga e. tapos puro kape ako. kadiri ung apron ko pati toque. nung dismissal, nagpasurvey na. kinikilig ako for Pauiie :P nung wala na kaming makitang tao, pumunta pa kami sa Gate3 para magsurrvey ng naka-apron. pampam lang e. hahaha. tapos wala kaming kakilala sa Gate3 kaya pumunta kami sa Gate7. nagpahanap kami kela Walker at Mamel ng mga tao at boomsh! andun na ung tatlo. hahaha. :))) dapat isang 2nd year at isang 3rd kaso walang 3rd kaya sabi ko gawin na lang nila na 3rd ung isa. :P nakakatawa si Cara e, "This is Awesome! This is the bomb!" hahaha. after nun, balik na sa cooking room para maglinis. kami na lang ung group na natira. atleast tapos na kami :D dapat may photoshoot pa kami para sa Pinoy tas un pala wala naman. buti andun sila Ariel at iba pang IV1.

nagstay lang sa Gate3. CONCEEEERT!! :D ang saya! hahaha. kumakanta kami ng HSM at CampRock songs :)) tapos naginterpretative dance din sila Putek&Marian :))) LAUGHTRIP SOBRA =))) nagwawala kami ng nakaupo. hahahaha. sobrang lakas ng boses namin e. pampam. rinig sa buong gate3 =)) hahahaha. nung umuwi na sila Putek, nag7-uo na lang kasama si Nicole. tapos uwi na ng 530. THANKYOU IV1 :D


- - - - - - - - - - - -

more than 1hour ko ng ginagawa tong sa Religion. nasa Part1 pa rin ako. BAKIT BA KASI KAILANGAN 9 PAGES PA? wala na akong maisip na pambobola dito e! :/


Wednesday, February 04, 2009 @ 8:44 PM
MAYGULAY!

SAWAKAS. wala masyadong kailangang gawin. makakahinga na rin. WEEE :)

kanina, naging 5 na lang ung quiz namin instead na 6. hindi na kasi tinuloy ung Rel kasi tinapos namin ung movie na Erin Brokovich (Goddamn that movie! It's so great! --Erin mode =))))) ) hindi ako nakapanood masyado kasi sinasagutan ko ung Trigo. hahaha. tutor ko kasi sila Metch and Marie e :D kaya un. YAY! tama lahat. hahaha. kproud. tapos nung English, nakakainis. parang hindi lang ako nagaral. hahaha. sayang effort :P laughtrip nung recess. birthday kasi ni KatMal kaya binigyan namin ng cake. tas tae. hahaha. nakakatawa na nakakakilig e =))) di kailangan :)) birthday nya kaya PAGBIGYAN NA (noh Mamel?? :P ) tapos, nakakatawa kasi nagrereview si Walker para sa Physics tas may minememorize sya na pangalan bigla akong sumingit at nakisagot na feeling alam lahat. tapos ung nasabi kong pangalan, pangalan ng isang tauhan sa isang novel sa Pinoy. HAHAHAHA. okay babaw. tawang tawa kasi ako =))) sa sobrang dami ng quiz, napaghalo halo ko na ung mga pangalan na kailangan imemorize =)))

Double Trigo, nagreview sandali then quiz na. SUPER LAUGHTRIP. hindi ako nakagetover nung quiz. =)))) dyosko. Oo Metch swerte na rin ako sayo. :P ThankYou sa pagturo (as if mababasa). :D after Trigo, quiz naman sa Eco. leche isa pa to. :)) bagsakan na. Lunch, wala si Mamel. kasi may OJE. Pinoy, quiz. 2 un. hindi ako sure sa mga pinagsasagot ko sa Pusong Walang Pag-ibig. :)) tas Physics. quiz. okay nakakamental block :/ nagdiscuss after. :)

dismissal, photoshoot para sa Seniors' Ball :D laughtrip! hahaha. uwi ng 530. MAJOR HEACDACHE. mayghad! parang dinudurog ulo ko e. :/


Tuesday, February 03, 2009 @ 7:18 PM
I can feel the pressure.

MONDAY:
halos walang ginawa. nung Homeroom may pinasagutan lang si miss tas nung Physics, seatwork lang. DoubleComp, nagedit lang ng movie pero tapos ko na kaya nakatanga lang ako dun. wala na kasing magawa sa internet. ang boring. hahaha :P nung Trigo, wala si Sir nasa Olympiad ng first and second years kaya pinapunta kami dun para manood. YAAAAAAY! lahat nagwawala hindi ko alam kung bakit. hahaha :P after lunch, kami naman ung may Olympiad. GO PAULA-CHIQUITITA & CONLU! :D by classnumber ung arrangement kaya katabi ko na naman si T. :)) wala kaming ginawa kundi kumanta at magmix ng kanta. alam kong ang ingay ingay namin kasi sinama pa namin sila Misha at Astrid :))) nagdudugtungan kami nungg first. kaso super tagal namin magisip kaya kumanta na lang kami ng kahit anong maisip namin. seryoso. super laughtrip tae. nakakatawa ung remix namin ni T :)) may natira pang 30 mins ata after ng Olympiad kaya nagPinoy pa kami, nagquiz lang. :)

super hyper ko. hindi ko alam kung anong nakain ko.

nung gabi...
TITA APOL: o bat ka umiiyak? wag kang umiyak ang liit liit na ng mata mo!
BEYIIA: hindi ako umiiyak. EYEBAGS YAN!

TUESDAY:
kung gano naman ako kahyper kahapon ganon ako kalugmok at badtrip ngayon. LECHE.
nagsimula kasi nung Elective. wala ako nung dalawang program kasi un ung nagpunta kami sa clinic (oo, ilang beses ko ng sinasabi to) yan ung naging consequence ko dahil sa kalokkohang ginawa namin. dyoskkooo. nakakaiyak kaya. 70 points kasi un at super haba nung program na un. di ko alam kung kelan at pano ko gagawin un. sobrang nabadtrip ako dun tapos dumagdag pa ung Trigo. NAWAWALA UNG NOTEBOOK KO. sa lahat pa ba naman ng notebook ung Trigo pa ung nawala. nakakainis talaga. pwde naman kasi ung TLE na lang or kahit ung Eco. BAKIT TRIGO NOTEBOOK PA? naalala ko pa na nakita ko sya nung Monday before pumunta sa Olympiad tapos di ko na sya makita ngayon. wala naman sa locker, sa bahay or sa kahit sino. TAE. nakakaiyak talaga. tapos may quiz pa kasi bukas dba. so parang, OKAY? babagsak ka na kasi sa Trigo nawala pa ung notebook mo, TANGA!


sobrang nabadtrip ako dun. tapos nung dismissal pa. INSULTO E. insulto talaga. alam na nga ung sitwasyon mo, di pa nafeel. nakakainis. kailangan ipamukha? nakakainis. parang di kita kaibigan e. halos maiyak na ako nung pauwi. di ko alam kung bakit ganon kalaki ung impact sakin. siguro nga dahil masyado akong sensitive sa mga ganyang bagay.

SOBRANG nabadtrip talaga ako ngayon. nakakainis kasi e. tapos dagdag mo pa na bukas meron kaming SIX QUIZZES. oo, ANIM. lahat ng subjects namin bukas meron. walang patawad. walang pahinga. dyosko. tapos idagdag mo pa ung mga kailangan dalin. ERGH.

dahil weird ako, naniniwala ako na kapag natulog ka, mawawala lahat ng problema mo..kahit papano. pero walang epekto un ngayon. swear. nawala ung magic. KLABO.

BEYIIA: parang nasa bingit na kasi ako ng kamatayan kailangan mapasa ko lahat un!!
MARIE: ililigtas naman kita e.
--MARIE, KAHIT JOLOGS YAN NAPATAWA MO AKO :p ily! :)

k magaaral na nga lang ako :/

**pinost ko to ng wednesday. pero tuesday ung date. walalng :p


Sunday, February 01, 2009 @ 8:15 PM
IRRITATED

sobrang dali kong mairita ngayon. hindi ko alam kung bakit :/ naiirita na nga ako sa sarili ko e =))) seryoso :P

ayoko pa pumasok bukas. masakit pa rin tuhod ko. :/

FEBRUARY NA! :)


BEYIIA


Sixteen.

TALK

THEM

PAST

CREDITS

1 2 3 4
(c)Beyiia :)