Wednesday, July 29, 2009 @ 5:39 PM
HAPPY!

okay after so many years, I'm updating this again :>

Freshmen orientation kanina. kala ko may tour pa wala naman pala. anyway, pumunta kami sa Med auditorium. as in buong CFAD(w/ Industrial, Interior & Painting). tapos yun, nagsalita ung mga dean, pinakilala ung mga chuva & all. tapos ung dean pala namin ung nakausap namin habang papunta sa auditorium. grabe sobrang nakakahiya. kasi nung papuntang auditorium, hinahanap namin si Prez. so parang nagwawala kami kasi di namin makita :)) tas naglalakad din sya tas kinausap nya ko. tas yun nagtatatalon pa kami dun sa harap nya. hahaha. peste. nakakahiya swear =)) malay ko bang sya ung dean! :)) o anyway balik sa orientation. pinakilala din ung SC officers :> grabe nagwawala na kami e :)) hahaha. tas mga 10 ata natapos so naglunch. nung mga 11, bumalik na kami kasi may period pa daw. eh walang tao sa room. buti dumating ung iba. so sabi namin kela Cara, tambay kami sa SC office. kasi sabi nila pwde daw tumambay dun. so un. napilit namin si Cara na mauna. OHMYGOD ILOVEYOU CARA! hahaha. pumasok sya. tas grabe. para kaming ewan sa labas :))

super tagal bago ko pumasok =)) nahiya na ko e :)) hahaha! shit. ayun pagpasok, biglang...
"Ikaw ung nagpapicture diba?"
GRABE NATANDAAN NYA AKO. AS IN =)) omfg =)) hahaha! peste. nagulat ako e. pati si PRO tumawa nung sinabi nya un. hahahaha. kasi naman nakakahiya ako alam ko. shit okay :)) so sabi ko ako nga un. tas sabi ko ang wasted ko nga sa pic. tas sabi nya lasing daw ako. OKAAAY :))

so un. kaming tatlo nila Cara and Izza ung nasa loob. ayaw kasi nila pumasok! as in nakatambay sila sa labas. :)) ayaw naman kami palabasin para daw pumasok sila. hahaha. pero after 5mins siguro, hinatak na sila Trina nung mga staff sa loob. hahaha! ayun. super benta :)) para kaming nasa comedy bar :)) benta si PRO and ung isang guy :)) ininterview kami and all. tapos nabingo pa ko :)) kasi biglang pumasok ung shiftting na topic. so un. bingo :)) ako na lang tuloy ung ininterview :)) peste. tas si Prez din :)) tinanong niya ko about sa course and all :)) AAAHH :> tas dumating ung pizza nila so umalis na kami after 45mins of interview. HAHAHA. :))

GRABE ALAM MO YUNG MASAYA? AKO YUN E =)) shit yan =)) DI AKO MAKAGETOVER. sorry na? :)) ang saya lang talaga dun sa SC room :> tatambay na kami dun everydaaaay :D

I'm loving CFAD! :D sabi nga ni PRO, try ko muna for one year tas kapag di ako nakasurvive tsaka ako lumipat. :>

(WTH :)) ang adik ko. tama ba namang magpost ako dahil lang dito? hahaha. sorry na ang saya ko kasi :> )


Thursday, July 16, 2009 @ 5:09 PM

nageemote kami nila Monay&Tin. seryoso naman kasing nakakamiss ang STC e :( maisip mo pa lang na hindi ka na dun papasok this school year,
maaalala mo na lahat ng kalokohan na ginawa mo nung high school ka. Kaya iisaisahin ko na to ngayon :)

- everyday papasok ako ng Gate7 kasi kailangan ko pa ihatid si Coleen. ang layo ng nilalakad ko kasi nasa kabilang dulo pa ung classroom
- kapag umuulan sa Gate1 naman kami papasok para pwde ipasok ung kotse.
- pagpasok ko ng classroom, either lahat nagkkwentuhan or lahat gumagawa ng lab reportsheets, experiments, assignment sa ibang subjects,
prayer sa Eco, nagaaral para sa quiz na nung umaga lang din nalaman. sobrang nagpapanic lahat kapag bell na kasi hindi pa tapos. tapos ung
mga officers, pinapalabas na agad ung mga tao sa classroom para pumila.
- sa line formation, ung pagsandal namin sa windows, or paglean sa ledge na laging sinisita ng officers kasi ayaw namin umayos.
- ung pagdaldal sa line formation.
- ung pagkakamali na kapag nagSTC Hymn na, eh naka lagay pa rin ung right hand sa may puso(wth ano bang tawag dun. hahaha).
- ung pagsabi na lang ng, "Goodmorning Theresians, you may now enter your classroom"
- ung nagmamadaling kumuha ng gamit sa locker kasi andyan na ung homeroom teacher.
- ung pagtulog everytime na wala pa ung teacher
- Faith Sharing! ang hirap samin kasi walang nagvovolunteer agad kaya ang tagal naming nananahimik :))
- pagtulog, pagdoodle, pagdadaydream during class hours.
- pagbibilang ng mga nakaheads down na classmates habang naglelesson ang teacher >:))
- paghuhubad ng sapatos tapos iniipon sa isang side ung mga shoes habang may klase
- pagbubuo ng sariling group with your rowmates kung san sainyo lang ung mga binibili nyong food, and walang mamimigay
- paggawa ng assignments, report sheets, pag-aaral ng quiz sa ibang subject habang naglelesson.
- pagdodoodle sa kamay kapag sobrang bored na :))
- pakikipagunahan sa paganswer ng mga SW sa Trigo
- pakikipagunahan din magpaturo sa mga matatalino sa Trigo. ung tipong hindi na nila nasasagutan ung SW kasi turo lang sila ng turo
- pangongopya ng answers kapag di mo na talaga maintindihan (oo no, mamimiss ko to =)) )
- ung pagsigaw na lang nila Paula at Monayb tuwing andami ng tumatawag sakanila para magpaturo sa Trigo :)) (nakakamiss kasi tawang tawa ako lagi pagginagawa nila un :)) )
- "Step on the darker gray tile" hello, sino bang hindi makakamiss sakanya? feeling ko nun gradeschool ako kasi may tile na dapat mong apakan e :))
- ung pagnahuhuli ka ng teacher na may ibang ginagawa tapos halos mamula ka na sa sobrang hiya. (hahaha. okay si Sir A din to)
- "On the board!" ka lagi kasi lagi kang nakikipagdaldalan tuwing period nya. (sorry na ha :)))
- ung bible reading everyday before magstart ang Religion class :P
- ung mga quiz ni Ms. Gineta :))
- ung mga kwento ng teachers everytime na wala silang magawa. (example, pagmagququiz, nagkkwento sila kahit nagcoconcentrate kami)
- ung parang Guessing Game na quiz ni Ms. Calero :))
- ung mga kanta ni Sir Rehoy na hanggang ngayon memorize pa rin namin :))
- tuwing Lab. kapag incomplete sa gamit, manghihingi sa iba. or kapag walang labgown, hindi pwde maglab :))
- tunganga every Lab. kasi laging walang labgown ung half ng group namin kaya ang ginagawa namin kunwari, lahat na lang kami walang labgown =))
- ung kung ano anong imbentong experiment namin tuwing lab na muntik pa kaming masunog dahil dun =))
- pangungulit kay Sir Lasti :))
- feeling ko sobrang mamimiss ko tong pagpunta sa IMC during Relperiod para tanungin kung may reservation pa si Sir DM. hahaha. :)) favorite kong gawin to e :)) tapos iikutin namin ung buong 3rdfloor&2nd floor bago bumalik sa classroom =))
- si Sir DM =)) kahit sobrang pahirap ung inabot namin sakanya, kahit ilang beses nyang nawawala ung projects ng iba, kahit kung ano anong topic na ung lumalabas sa quiz nya, jusko, parang hindi buo ung pagiging Theresian mo pagdi mo sya naging teacher :P
- Oral Defense! once lang naman kami magganito :)) pero ung kaba before magoral defense e. kahit hindi natuloy nung 3rdyear :P
- ung pagpapakilala sa mga Freshmen every first day of the school year. :))
- ung nakakairitang feeling kapag Lunch & Recess ng first day dahil sa mga Freshmen. masyado silang nagtitipon tipon sa isang place e :))
- pagpapakilala sa teachers during first day. :)) tilian e.
- PAGCCRAM.
- pagtingin sa internet before the day of exam para tignan ung mga notes na binibigay :))
- pagtulog ng madaling araw para magaral.
- pagpasok sa school, magaaral tapos magpapanic pag ung unang test ung subject na hindi mo masyadong inaral :))
- pagtatanong sa classmates kung nagaral ba sila kasi ikaw hindi
- pagsusuot ng headband during exam :P
- pagaaral during recess & lunch.
- si Ms. Delemos =)) okay weird. para kasi siyang do-what-you-want period. i mean, ung tipong, pwede kayong magvolley, maghabulan, magbasketball. basta may connection sa PE :p
- ung PALAYOK! hahaha. once in a lifetime lang un :P
- ung pagbabalance dun sa whatever. haha. basta un.
- Suongan, TIYAKAD.
- half day volleyball test :D
- ung PE numbers. sayang nawala ung number ko nung thirdyear&fourthyear :/
- bandaging!
- DANCE PRO.
- paggiging wala sa sarili during morning everytime na may supervised practice sa afternoon.
- pagtatahi ng costumes & pagaayos ng props.
- Supervised Practices. ung mga pagbibilad sa araw(ung after ng practice nyo, mukha ka ng kamatid), paglalagay ng sunblock, pagpapaa, etc.
- General Rehearsals. na ung iba, hindi pa rin tapos ung costumes nila tapos may mga pin, mightybond, and doublesided tapes pa na nakakalat sa classroom.
- ung day after or before ng GenRe, super sakit na agad ng katawan mo. kahit siguro 3days pa lang kayong nagppractice. kaya nagkalat na ung mga SalonPas sa classroom.
- Props-making day. ung walang klase the whole day para lang maayos na ung costumes and props :D
- FAMILY DAY. pagpasok ng maaga, pagmamakeup, pagaayos ng costumes, onting practice, pagppray as a class, pagsigaw before magsayaw, etc.
- Recollection&Retreats. paghingi ng recoletters & all.
- Outbound! color-coded shirts & Lakbay Kalikasan. :)
- Salu-Salo & Christmas party. bahala na ung klase nyo sa kung anong party ung gusto nyo :P
- PALIHAN. pagpunta sa Aetas, paggagapas, pagpunta sa communities, pagpunta sa mga DayCare centers, pagpunta sa GK, pagpunta sa mga foundations, && pagtulong sa kanilang lahat.
- pagtulog ng late dahil sa mga requirements na kailangan ipass. tapos ung mga kagroupmates mo pa hindi pinapadala ung mga kailangan sayo sa email kaya hindi ka matapos tapos.
- pagpunta sa bahay ng classmates para gawin ung project.
- pagstay ng late sa school para magshoot, gawin ung experiment, magpractice, etc.
- INTRAMS! 3days no classes. :D:D:D mas masaya ang intrams kung Suongan ang intrams mo kasi dun, walang ginagawa. hindi katulad ng iba na may oras ka pa dahil ganong oras ung game nyo.
tapos sa Suongan din, pwde ka pa makanood ng game sa volleyball & basketball. tapos pwde ka pa palitan kaya minsan hindi ka na nakakapaglaro. :))
- ung pagccheer during intrams sa basketball&volleyball pwde na rin sa suongan. ung todo cheer ka na na halos lumabas na ngalangala mo sa pagcheer at pagtalon :))
- ung pagkawala ng boses kapag 3rdday na ng intrams. kasi super cheer ka nung last2days kaya nawala ung boses.
- basketball&volleyball game ng teachers&parents every 3rd day ng intrams :D
- awarding. todo cheer pa rin kahit wala ng boses.
- bandfest :) ung day na lahat ng tao excited pagumaga kasi bandfest sa gabi :))
- SEG Enlistment kung saan lahat ng tao nagtatakbuhan sa court para lang makuha ung gusto nilang SEG. tipong parang may sunog na sa sobrang panic ng mga tao. :))
- SEG ung boring na SEG lagi ung napupuntahan ko. or kung ung SEG na kung san gusto ko lang ng overnight or outdoor activities kaya ako sumali :P

WAIT! SA SOBRANG DAMI DI KO KAYA ILAGAY NG ISANG ARAW LANG.

..TO BE CONTINUED. :p


Saturday, July 11, 2009 @ 7:13 PM
Harder than you know

COLLEGE IS HARD.

super. :( alam mo yun, buti na lang once lang namin namemeet ang isang subject every week so kapag may HWK, pwde mo pang gawin sa weekend kasi next week pa ulit ung subject na yun. sobrang pagod paguwi. idagdag mo na ung pagcocommute. nakakapagod at nakakastress ng bonggang bongga. seryoso. tipong paguwi ko, maliligo tas kakain tas matutulog na ako. minsan nga 830 pa lang tulog na ako dahil sa sobrang pagod.

1month pa lang nakakalipas pero puro angal na ako. nakakainis naman kasi talaga e. :)) tapos meron pang times na ayoko na talaga sa course ko. nung wednesday kasi nakausap ko ung isang blockmate ko na nagdrop ng major subjects. magshshift daw kasi siya sa 2nd sem kaya dinrop na nya. tas parang sabi pa nya kung di ka talaga marunong magdrawing, wag mo ng ituloy kasi nga nagbabawas talaga sila so parang pagdating ng 4th year half na lang ng klase nyo ung nandun. so natakot ako at buong araw akong tulala dahil dun :/ kasi ang hirap rin kung magshshift ako. magiging ireg ako tas kailangan ko kunin ung subj na wala ako tuwing summer or pagfree time ko. tapos ung mga gamit ko sayang e ang mamahal pa naman nun. tapos ang dami pang kailangan gawin, may test, interview at kung ano ano pa. pero kung magsstay naman ako, it's either babagsak ako or wala san ako pupulutin. HAHAHA :)) EWAN. sobrang ang gulo gulo ko ngayon. :/ kasi naman sabi pa nila kung di ko kaya wag ko na ituloy eh pano ko malalaman kung kaya ko pa kung di ko itutuloy? OKAY LABO. basta hindi ko alam kung magshshift pa ako or ittry ko muna to. kung itutuloy ko ba to kasi baka may miracle na mangyari at umabot ako ng 4th year. :/

gusto ko ng grumaduate. seryoso. gusto kong ifastforward ung oras :(

pero so far, masaya naman this week. HAHAHA. epal e no bipolar. :))

oh blogger, sorry nga pala. :P promise maguupdate ako dito kahit bullet form. hindi ko pa nga napopost ung mga nangyari nung summer e =))


BEYIIA


Sixteen.

TALK

THEM

PAST

CREDITS

1 2 3 4
(c)Beyiia :)