Thursday, September 17, 2009 @ 6:14 PM
UGH

super nakakasakit ng ulo tong araw na to.

VP, sir asked us to show him our references for our final plate. since he didn't told us last week that he need it now, only some of us have it. then biglang sabi nya na wala kaming finals kapag walang reference this day. so naginternet shop kaming ibang pies plus Ina&Hazzel. we got some photos for our reference. naka1hour kami sa paghahanap kasi kailangan detailed daw and all. nagpaprint after then pagbalik sa room, nagagalit sya. wala daw kasing gumagawa ng plate. puro plate sa TECH ung ginagawa. so hindi na nya chneck or inapprove kung tama ba ung reference namin. deym seryoso. nakakainis. sobrang mapili pa naman sya so di namin alam kung tama un or what tas pagtatanungin mo sya kung pwde bang ganito ung gawin or pwde bang bawasan ung mga nakalagay dun, iirap lang sya. tas wala na talaga syang chnecheck na reference. parang the whole time simula nung 10am, nagtatanong lang kami kung pwde ba ung picture namin. some of us even cried. kasi bigla nyang sinabi na ung mga hindi nasignan ung reference, wala ng finals. tas ung nasignan naman nya pero wala pang naddrawing, minus 75 or 50 or 60. OKAY HELLO? ano pang matitira sa grade mo. sobrang lahat kami dissappointed, irritated and depressed. tapos dagdag mo pa ung plates na pinaulit & hindi nya gnradan last week or last month. sobrang kahit 5cm lang ung kulang(which is di naman halata) ginawa nyang 75. so sobrang buong klase kanina nakasimangot talaga. pero kami ni Dai parang lasing =)) kasi naman hindi ko na talaga alam kung anong reference ung gagamitin. I asked him kung pwde na ung isa he said yes. pero ugh, ang hirap kaya doy :)) badtrip talaga. parang buong klase natanungan ko na kung ano ung reference na gagamitin ko :/

pero after that, okay naman. kasi I bought the CFAD apron during lunch. then pagpasok ko andun agad si Prez :> tas ang saya. hahaha. kinausap nya ko :> idon't know why she asked that question pero atleaaaaaaaaaaast :> 'KAY ENOUGH. :))

back to FINE! ARTS! :/ after lunch, we don't know where to go. kasi TECH na so outdoor class. nung bumili kami ng food sobrang nagiging dalawa na ung mga tao sa harap ko sa sobrang hilo ko then sabi nila Dai, hindi na daw ako straight maglakad =)) sorry na. nabinat ako sa VP. I was already sick last night tapos pampasakit pa ng ulo ung VP. :/ mga 2 na bago kami nakapagclass. buti nakahanap ng room so un. nung mga past 2 sobrang umulan ng malakas & FIRST TIME KONG MAKITANG MAGBAHA SA ESPANA. sobrang nagpapanic na ko. I was calling mommy already kung pwde ba kong sunduin kasi lulubog paa ko kapag tumawid ako :)) tas badtrip ayaw nya akong ipasundo. swear naiiyak na ko nun di ko alam pano uuwi :/ tas I can see na sobrang traffic pa. as in di nagmomove ung mga kotse. nung mga 330, nawala na rin ung baha :D so I decided na itry kung makakasakay ba ako.

so parang mga 20mins na kong nakatayo dun di pa rin ako nakakasakay. then nung nakasakay naman ako, FIRST TIME KONG MAKATULOG SA JEEP. :)) swear. nafefeel ko ung ulo ko na bumabagsak na :)) 1hour kaming nasa Espana. grabe. sobrang init plus pollution. deym. ayoko talaga ng usok swear. feeling ko nun di na ko makakahinga anytime e :)) nakakabadtrip kasi ung usok :/

okay BAD DAY :/ lalo na kung totoo talaga ung about sa finals sa VP. ewan ko na lang talaga :/

back to work. I need to finish 2plates for MDR pa :/ PSSSSSSSH.


Wednesday, September 09, 2009 @ 9:03 PM
No to school! >:)

Fine. Let's go to school tomorrow. But please not on Friday 'til next week. okay? :/

HAHAHA. kay weird. :/

ooohh btw, HAPPY 999 DAY! :D first and last time that will happen in our lives :>


Tuesday, September 08, 2009 @ 2:24 PM
I miss him.



Since Mommy already allowed me to use Papa’s phone since last month, I only got the chance to browse through his pictures and videos last night. I was watching every video that was there(except dun sa mga sabong :/) namely, videos when we went to Ocean Park, Star City, Tim's birthday and ordinary days when Tim was really rowdy. And after 1 month, I finally heard his voice again.

I MISS YOU PAPA! :((
I hope you’re already happy wherever you are. :( Please don't forget us. Never okay? I love you! :(


Saturday, September 05, 2009 @ 5:59 PM
Wake&Burial

So Friday, dun ko lang natext si T&P na wala na si Papa. Tapos ung mga tumatawag kay Mommy. Si Kuya John, ung kasama ni Papa dati sa work(as in parang BFF nya nun) sobrang gulat na gulat. Kasi sabi daw nung mga trabahador ni Papa, may nagtext daw sakanila and hindi sila naniniwala kasi masamang biro lang daw un. So cinonfirm pa talaga kung joke or totoo but unfortunately, it's true. Naririnig ko sa fone na umiiyak si Kuya John. :( After breakfast, pumunta kami ni Tita Apol sa STC&LSQC para ipaexcuse sila Tricia, Kyle&Coleen. Naiwan si Ninang Joy, Tita Arcy and Mommy dun. Sa Lourdes, ung mga guard, kilala pala si Papa. So hindi sila makapaniwala na ganon kabilis nawala na agad.

Pagbalik namin sa Paz, may mga tao na. Nung mga maglulunch na, dumating na sila Tricia. Sabi nila sinabi na nila kay Coleen and Tim. (kasi alam na ni Tricia and Kyle nung gabi pa lang) so iyak nga daw ng iyak si Coleen. Tim was only asking "batet" everytime na sinasabi sa kanya na wala na si Papa. So sinamahan ko si Coleen nung pumunta sa casket. I know I promised to be strong at hindi ipapakita sa kanila na hindi ako iiyak pero Papa sorry. Seeing Coleen, Tricia and Mommy cry makes me weak. Ang sakit e. Parang nafefeel ko ung lungkot nila. Si Kyle hindi lumapit sa casket. Nakatulog ako after lunch I think? Then ginising ako kasi may bisita daw.

Rina&Ariel came. Nagulat ako swear. Ang saya. Parang hindi ako namatayan e. :P Knowing na nandun naman sila kahit anong mangyari :) Nagmass after merienda. First mass and first time na bnless si Papa. Si Kyle, hindi sumama. In denial pa sya e. Feeling nya ata joke time lang un or whatever. Nung patapos na ung mass. I saw P&T. So napatakbo ako sakanila then cried. Grabe lang ung feeling. Hindi ko talaga napigilan ung sarili ko.

After ng mass, dumating ung ibang IV1. Sila Marie, Aira, Astrid, Laraine, Mia, Gek, Therese. Then may mga teachers rin. Tas sila Sienna, Annya&Sam. Sabi nga nung mga teachers, reunion daw un e :)) Tapos, pati ung mga kapitbahay namin pumunta. Then ung mga kasama ni Papa. Tas officemates ni mommy. Tas ung iba hindi ko kilala. Kamaganak daw pero never kong nakita. :P Dumating din si Inang nung gabi. Nung morning lang din ata sinabi sa kanya na wala na. Nung nakita ko na sya sa door, sinalubong ko na sya. Natakot ako na baka himatayin or what. Grabe natahimik ung room. Then she cried. Ang sakit. Makita mo ung anak mo na wala na, na hindi man lang nagpaalam sayo. (Pero, Papa went to Bulacan the day before he died-Wednesday. He even asked me to come with him para magpadentist. Pero hindi ako sumama kasi tapos na ko. Siguro way na un ng pagbbye ni Papa kela Inang bago sya mawala). Sabi pa daw ni Papa sa kanya na uuwi kami sa Bulacan this Saturday. Kaso wala na. :( Buti na lang hindi naano si Inang. Pinaupo na kasi sya agad tapos binigyan ng gamot. Tapos, ung mga trabahador ni Papa. Grabe, first time ko nakakita ng lalaking umiiyak. As in swear. Kuya John was still crying when he came. Pati ung mga driver ng truck. Tas ang init na sa loob. Kasi ang daming tao. Kaya nasa labas na ung iba. 11 na ata nung umalis na sila Sienna. Clara came. :) Nagulat ako. :) Nagdinner na ko @ around 11? or something.

Nakatulog ako agad hindi ko alam. Basta nagising na lang ako morning na. Then, umuwi kami nila mommy para maligo. Pinagmadali ko pa sya kasi nandun na daw si Paula nung mga 930 na. :P So un. pagdating ko andun na rin si Trina :) Grabe umiiyak sila. Hahaha. Kumain tas kwentuhan :D Solo pa namin ung chapel e. hahaha! walang tao. Tapos Pamie came. Then mommy ni Mimi :) Then Iwi. Tas sila Dai&Marya. Ang ingay namin. Hahaha! May dumating na parents ng mga classmate ni Tricia. Then ung mga classmate na ni Tricia. hahaha. ang dami nila. halos buong class. naoccupy na nila ung isang side nung room. :)) Kala ko nga may klase e. :P Gelli, Gego&Monay came. tas sila P&T, Sienna&Joey, Jenn&Jesileen, Marni, Metch&Cumpas, Odessa. Nung sila Gelli, Odessa, P&T na lang ung nandun, naglunch na ko. hahaha. mga 330 na ata un or 430. Tapos sympre hanggang dun may kalokohan :)) Si Pauiie kasi e. Hahaha! Then dumating sila Claud, Kim&Cera, Maeka&Judy, Czare. Then may mass nung mga 6 na. may isang girl na umiiyak. Kilala ko sya by face pero hindi ko matandaan kung kamaganak namin or ung kasama ni Papa sa trabaho. Basta sumisigaw siya ng Joseph nung end na ung mass. :( Triplets' came. then Walker and Mamel. okay epal ni Walker e. iniyakan ko pa :/ :)) nagmass ulit nung mga 830 ata or 9? tas dumating sila Monique, Nalingandyouknowwho :)) ang cool nung mass. ang galing nung choir :)) kaya tawa kami ng tawa nila Mamel nung mass =)) nasisira kasi tenga namin sa sobrang ganda. HAHAHA! 1030 na ata un nung umalis na sila Mamel. then dun lang ako nagdinner :)) after nun, nakaupo lang ako tas nakatulog ako agad :))

Ang late ko na nagising. 9 na ata? Paggising ko andun na sila AteChe & AteKaye. galing silang states. tas umuwi with Ninang Joy tas balik na. Nagmass tas niretouch si Papa. Dun ko na lang siya ulit nahawakan. Sabi nga ni Mommy, nung last na hawak nya kay Papa ang lambot pa nya ngayon sobrang tigas na. After nun, nagkulong na lang ako sa kwarto. Ewan. Parang bigla ulit nagpoof sa utak ko na okay wala na si Papa. Kasi nakalimutan ko na wala na siya nung dumating ung IV1&Toopayb e. Kaya nafeel ko ulit na masakit. Kasi dun na sya forever sa casket. After nun, dumating ulit si Cera. hahaha :) then nagayos na. Nung mga 12 na, umalis na kami. pumuntang Bulacan. So un, nakatitig lang ako sa casket simula nung ilabas hanggang ilagay sya sa car. Ano kayang feeling nung malagay dun :/ Umiiyak ako sa kotse nung papunta. Tas biglang hihirit si Mommy na "tulungan mo ko marami pa tayong kailangan gawin". That made me cry ever more. Narerealize ko na ng tuluyan na wala na si Papa. Pagdating sa Bulacan, nakaready na ung paglalagyan ng casket. Tapos ang daming tao. Natulog na lang ako sa room.

Simula nun, andun lang kami sa room kasi wala naman kaming kakilala. Nung isang beses na lumabas ako, tinitignan ko ung mga tao. Some say na classmate sila ni Papa nung grade5 tas may picture pa syang dala. Wala lang nakakatouch kasi grade5 pa un pero naaalala pa rin sya. Kaso nakakalungkot lang kasi ung iba ang tanda na pero nauna pa si Papa sa kanila. No, I'm not saying na sana nauna silang nawala kesa kay Papa pero diba, ang bata pa kasi ni Papa e :((

Monday night, last night na ni Papa. I stayed as late as I could. Ako ung nagbantay sa tabi ng casket. Sabi kasi hindi pwdeng iwan ung casket. As in dapat may bantay talaga sya. So there. Buti na lang gising pa sila Tita Arcy, Ate Ron, Tita Apol & Mommy. So kami ung nagkkwentuhan dun. Mga 6am na nung nagdecide kami ni Mommy na matulog. Pinilit kami e. :P Then mga 8 or 9 ata, nagising ako. Nagbihis then nagayos. Mga 11 or 12 ata un nung dadalin na sa church. Hindi ko iniwan ung casket. As in nakahug lang ako til paalisin nila ko. I can hear mommy crying sa upuan. Tapos Tita Apol was hugging me asking me to let go. Sobrang gulo ng feeling ko nun. Hindi ko alam basta ang alam ko masakit. :(( Hanggang makasakay kami sa car, nakahug lang ako kay mommy. Ang tagal bago kami makarating sa church kasi ang bagal nung andar. Tanong ng tanong si Tim kung bat kami umiiyak. Hindi pa rin nya maintindihan :( Pagdating sa church, nagmass. Then blessing. tas thankyou speech from Ate Che. Tinatanong nila kung gusto kong magsalita para magthankyou sympre ayoko. Baka himatayin pa ko dun e. :P So there. Ate Che was crying while talking. Hindi ko sya natignan kasi start pa lang nakatakip na ung mukha ko. Humagulgol lang ako nung sinabi nya na 'We'll take care of Bea and the kids'. Narealize ko na wala na si Papa. Iba na ung magtatakeover samin (except si Mommy) pero diba, si Papa kasi dapat ung gumagawa nun. So there. After nun, one last look ata sa casket. Sobrang pagod na ko umiyak nung time na un. As in ayoko na. Nakalimutan ko kung sino ung may hawak sakin pero thank God for him kundi nakahiga na ko sa sahig. Latang lata na ko nun. Kaya hanggang paglabas at pagsakay sa car, nakabantay lang sila.

Pagdating sa cemetery, ang dami ng tao. Then nakaopen na ung casket ulit. So pwde na hawakan for the last time. Bawal daw tuluan ng luha or what pero natuluan ko na sya nung niretouch pa lang. Sorry na. Then pinagalitan ko pa si Mommy. kasi iyak siya ng iyak eh bawal tuluan. hahaha. okay. wala na kasi akong luha nun e. kaya sya ung papagalitan ko :P after that, yun, pinasok na. nagstop na ko.

Ang numb ng feeling. Sobrang manhid ko nun. Pero ang alam ko pagod ako. Yun lang. Si Papa, nagpapahinga lang pero makikita rin namin sya. Yung nangyari hours/days ago, wala lang un. Parang movie lang. Tapos na. Move on.

Oo, hindi pa nagsisink in. Hanggang ngayon feeling ko umalis lang si Papa then babalik sya anytime. Andito lang sya we know, pero forever? Ewan ko. :/ Magulo. Wala akong maintindihan. :(


@ 2:32 PM
The greatest gift we ever had

too late. :(

August 6, 2009.
Halfday lang ako from school because of the rain. When I reached home, I found Papa sleeping. So natulog na lang ako. pagkagising ko kinausap pa nya ko. He asked me kung bakit ang aga ko dumating since 5 pa ung uwian ko. so I answered him. After that, he even asked me to eat the peanuts that he cooked. I only said yes kasi nagiinternet ako. Naggym sya after kumuha ng peanuts na baon nya. Then pagdating ni mommy nung gabi, pumunta ung kapitbahay namin dito. He said na Papa was rushed to the hospital kasi masakit daw ung dibdib. so nagpunta agad si mommy. buti malapit lang ung hospital kasi sa kanto lang. yun daw kasi ung pinakamalapit na hospital sa gym. sumubo lang ng onti si mommy for dinner then nagpunta na sya. I keep on texting mommy kung ano na ung nangyayari. hindi ko alam pero iba talaga ung kaba ko nun. Since this year started, feeling ko sobrang malas na talaga. sobrang iba na ung mangyayari. tas everytime na may nangyayari, hindi ko mapigilan magisip kung what if may mas masama pang mangyari. so kinukulit ko talaga si mommy. sabi nya Papa's okay. masakit daw ung tyan and hindi pa alam kung ano ung cause or kung ano ung sakit. She asked me to go there para magdala ng mga damit kasi baka iconfine si Papa.

so I went there. ako lang magisa. first time un kasi mga 830 na ng gabi nun. pagdating ko dun, andun ung mga kasama ni Papa sa gym. then andun din si Tita Arcy then Tito Herbert. Sobrang nakikita ko na ang sama ng pakiramdam ni Papa. nagsusuka sya kasi parang puro hangin daw ung tyan nya. tinatanong sya kung ano pa ung masakit etc. tas parang may nilagay na sa heart nya na parang sticker ata or ewan para daw lumuwag ung paghinga. pero hindi pa rin natatanggal ung sakit. may ininject sa kanya para sa sakit ng tyan kasi sabi nya masakit nga daw talaga. so sabi ng doctor kapag nawala na ung sakit ng tyan after ilang mins dahil dun sa ininject, un nga ung sakit. pero after 5mins(dapat umepekto na ung gamot), di pa rin nawawala. so may mga sinasabi silang sakit na di ko maintindihan kaya tanong ako ng tanong. nagsusuka si Papa. pero puro laway lang. as in ung suka nya parang lalabas na lahat ng nasa katawan nya plus super lakas pa ng boses nya. naiiyak na ko nun kasi nafefeel ko ung sakit nya. feeling ko ako ung nandun. nung mga 1hour30mins na kami dun, they decided na ilipat na si Papa sa ibang ospital kasi ang liit nung pinagdalhan sa kanya. so nagbayad na si mommy. then tinanong nila si papa kung okay lang ba kung tatanggalin ung oxygen. then tnry nila so okay naman. nagsusuka pa rin si Papa so ako na ung nagpapasuka sa kanya kasi nandun silang lahat sa counter. pumasok sa room ung mga kasama nya para tanungin kung iuuwi na ung car. he said 'yes'. then Tito Herbert asked him kung ano pa rin ung masakit, he said 'eto' touching his tummy. then before sya ilagay sa wheelchair, sumuka pa sya ulit. sinuka na nya ung peanuts na kinain nya before sya maggym. He was in pain. nakikita ko. then nung ilalagay na sya, nilagay ko na ung pinagsukahan nya sa table then nung pagtalikod ko nakatapak na ung isang paa nya sa wheelchair but he fell down. tumirik na ung mata nya that time then nanginginig sya. hindi ko napansin kung nakakabit pa ung oxygen kasi nagpapanic na kami nun. andun pa ung mga kasama nya maggym, nilagay sya sa bed ulit agad. inaayos pa namin ung bed kasi nagmomove ung bed sa sobrang bigat nya. nanginginig na talaga sya nun then nagiging violet na sya. I was already crying that time. hindi ko alam gagawin ko. I kept on saying 'Papa gumising ka' kasi violet na ung mukha niya. I kept on asking the doctors what's happening kasi wala pa si mommy. ako, ung tito ko, ung 2 kasama nya sa gym plus ung tita ko na pumasok lang sa room nung nililipat na ulit sa bed. I was already shouting at him na gumising. after 1-2 mins siguro nagclose na ung eyes nya. tinignan nung tito ko so inopen nya ulit. may mga parang nerves ata or laman na na nasa eyes nya. color violet din. Lalo akong nasaktan nung nakita kong nilalagyan na sya nung tito ko ng scapular. I was thinking na diba pagnamamatay or nasa bingit ng kamatay lang nilalagyan ng ganon. what does that mean kung ganon? I was shaking Papa already telling him to fight. pagdating ni mommy, inaayos na ung mga pangCPR. ang lamig na ni Papa nun. lalo na ung paa nya. and his face was really color violet. pinaalis kami after nun. I stopped crying. ewan ko natulala ako. parang nakikita ko sa TV ung mga ganon then nasa harap ko na sya ngayon. worst, si Papa pa ung nandun. Mommy was already crying. Also Tita Arcy. I don't know kung anong lagay nun. kung may pagasa pang magising ulit si papa. hindi ko alam. ang tagal kong natulala habang ciniCPR siya. ang tagal syang nirerevive. Pinaupo muna kami kasi ewan ko. Basta I can hear mommy shouting "Papa lumaban ka!" nung nakita ko na ung kinukuryente/CPR sya. I cried again. I was texting Tricia to pray already. I was praying. Sobrang sumisigaw na ko ng prayer kasi yun lang ung way. hindi ko na alam ung mga nangyari. ang tagal syang nirerevive kasi may heartbeat pa daw. I was already begging the doctor na wag silang magstop. Nainis pa ko kay mommy kasi sabi sya ng sabi na 'wala na! wala na!' pero may heartbeat pa. :( I texted Monay na sabihin sa mga tao na magpray kasi kailangan talaga ng prayers. Ewan ko pero un ung first thing na naisip ko na kailangan ni Papa instead na ung doctor. Ang tagal tagal nung pagrerevive. meron pa rin daw. Monay, Walker, and Fishy called. di ko alam kung tumigil na sa pagrerevive ung doctors nung tumawag sila. kasi more than and hour na pero wala pa ring nagbabago. hindi pa rin sya dumidilat or whatever. I was crying on the phone habang kausap sila. and sorry for that :( hindi ko talaga alam sasabihin ko. pero sobrang thankyou kasi hindi nyo ko iniwan and sinamahan nyo ko sa darkest moment ko. ay k. Gusto ko sanang papuntahin sila Tricia dun para makita nila si Papa kahit huli na ung lahat. para kahit papano kasi may heartbeat pa naman, so baka maririnig pa kami ni Papa, para makausap namin. pero in the end, hindi rin kasi parang ang stupid ko naman kasi ang bata pa nila para makita ung ganong situation ni Papa na namamatay na. mas masasaktan sila.

Nung tinapos na nila ung pagrerevive kasi nagstop na ata at around quarter to 11. idon't know basta nagligpit na lang sila bigla. I was crying really really hard. ang sakit sakit. Tita arcy hugged me. kasi sigaw ako ng sigaw ng 'Papa naman e.', 'bat ang bilis?', 'bakit ganon?'. I told her na naiinis ako kasi hindi ko man lang nakausap si Papa. hindi ko man lang sya nasabihan ng thank you, sorry, i love you, and bbye. hindi ko man lang nasabi kung gano ako kathankful sa lahat ng sacrifices nya para samin. hindi ko nasabi kung gano ako kathankful na sya ung Papa ko. kasi kahit anong problema ung dumating samin, hindi sya naggigive up. hindi nya kami matiis. kahit nagaaway sila ni mommy, gumagawa pa rin sya ng way para magkabati sila. hindi ko nasabi na sorry sa lahat ng mga ginawa ko. last Tuesday hinihingi nya ung annual ko kasi gusto daw nya makita, pero di ko pa pinakita kasi inuna ko pa ung pagiinternet kesa dun. hindi ko nasabi sakanya na kahit anong mangyari, kahit pagalitan nya kami love pa rin namin sya kahit di namin pinapakita. di ko man lang nasabi na proud ako dahil sya ung Papa ko. sobrang sakit nung time na un. nung malaman ko na wala na. wala na si Papa. nagtalo pa kami ni mommy one time(kahit umiiyak) kasi sabi ko hindi man lang ako nakapagsorry kay Papa. then sabi nya 'e pano pa ko di kami naguusap ng Papa mo'. sobrang nasaktan ako nung sinabi nya un. kasi hindi sila naguusap for 2days na ata.

dumating agad ung mga tito's and tita's habang inaayos ung mga ginamit sa pangCPR. sobrang nashock din sila nung nakita nilang, wala na. pagdating nila, wala na ung kahapon lang kausap nila. parang ung pain and ung lungkot na nararamdaman nila, nafefeel ko rin nung time na un. lalo na nung nakita ko ung tito ko na kapatid ni Papa. un ung lagi nyang kasama sa lahat ng ginagawa niya. sya ung parang bestfriend ni Papa since birth. pagpasok nya sa room, natulala sya nung nakita nya si Papa. as in nakatitig lang sya kay Papa then he started crying. sobrang sakit. plus ung mga tito't tita ko pa parang 'Beyiia, be strong. wala na ung Papa mo ikaw na ung tutulong sa mommy mo.'

ang tagal namin nagstay ni Mommy nung nakabalot na si Papa. ayaw iwan ni mommy. sabi nya hindi daw nya iiwan si Papa hangga't hindi pa sya matigas. I stopped crying nung inaayos na nila ung pagdadalan kay Papa. pinapaalis ko na si mommy dun kay Papa kasi nakahug pa rin sya. pero ayaw nya umalis. then tinatanong sya kung san gusto iburol kung dito ba or sa Bulacan. sympre ung mga kapatid ni Papa, sa Bulacan gusto. then I said, bakit sa Bulacan, e pano ung mga kaibigan ni mommy? ung mga kamag-anak namin na hindi makakapuntang Bulacan. pano si Daddy, hindi sya pwde magtravel sa malayo? pano nila makikita si Papa kahit for the last time. so un, kinausap ko ung mga tita ko kung pwde na kahit for 2 days, dito muna si Papa. dito naman sya tumira and nandito ung family nya. good thing pumayag sila. Sobrang tagal bago pumayag umalis ni mommy. as in kung ano ano ng sinasabi ko sakanya para lang umalis.

tulala lang si Mommy simula nung umalis sya dun. ako na ung kinakausap kung anong gagawin etc. pati sa Death Certificate ako na nagfill up. nung mga time na un, hindi ko alam kung anong meron. hindi nagsink in na wala na si Papa FOREVER. parang ung pagiyak ko before that, parang nag50-50 lang si Papa then nagpapahinga lang sya kaya kami nagstop. tas after that makikita and makakausap na ulit namin sya. ganon ung feeling ko. kaya parang wala na sakin. we went home para magbihis. pagdating, mommy cried again. kasi sinabi na namin sa mga lola ko na alam kong alam na nila kanina pa kasi tinext ko si Tricia. Nung pinagpapahinga nila kami ni mommy kahit 1hour lang, hindi ako makatulog. Instead na matulog, naalala ko na lang ung mga nangyari. naalala ko ung pain hours ago.

Nung mga 430 na in the morning. pumunta na kaming Paz kasi andun na daw. so pagpasok namin, umiiyak na si mommy nung nakita pa lang nya ung casket. andun na agad ung mga tito namin and other relatives. tas ewan parang gusto kong sampalin sarili ko nun kung totoo ba ung nakikita ko na si Papa na kakakita ko lang nung morning na nakahiga sa bed namin, eh nasa harap ko ngayon at nakahiga sa casket at wala ng buhay. tumawag ung tito ko from the states tas hindi makausap ni mommy so ako ung kumausap. ung mga pinsan ko rin na ansa states, babalik daw. sabi nila after 7 years, makakabalik sila ulit dito pero ang sama naman ng pagkabalik nila. Umalis na ng mga 530 ung mga tito ko para umuwi. kaming 4 ata or 7 ung naiwan dun. nakatulog ako sandali. mga 15mins. pero napuputol pa rin kasi parang every 5mins, may tumatawag or nagtetext kay mommy kaya nagigising ako. so parang hindi rin ako nakatulog.

(sa susunod ko na itutuloy ung burial :) )



BEYIIA


Sixteen.

TALK

THEM

PAST

CREDITS

1 2 3 4
(c)Beyiia :)